SINA Justice Secretary Leila de Lima at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang dalawa sa napipisil na posibleng mamuno sa Commission on Elections (COMELEC) bilang kapalit ni outgoing Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr.
Sina Tolentino at De Lima ang sinasabing ikinokonsidera ng Malacañang para humalili kay Brillantes na magreretiro sa Pebrero 2015.
Kasama rin magreretito ni Brillantes sina Commissioners Lucenito Tagle at Elias Yusoph.
Bago pumasok sa gobyerno si De Lima, naging election lawyer muna siya, habang si Tolentino ay dalubhasa sa public international law.
Samantala, itinalaga ni dating Pangulo Corazon Aquino si Tolentino bilang officer-in-charge mayor ng Tagaytay City mula 1986 hanggang 1987 noong kasagsagan ng transition period makaraan ang unang People Power Revolution.
Wala pang komento ang panig nina De Lima at Tolentino kaugnay sa nasabing ulat.