Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bus sumalpok sa jeep, 12 sugatan

112514 crime sceneSUGATAN ang 12 katao kabilang ang isang kritikal ang kalagayan makaraan sumalpok ang isang bus sa pampasaherong jeep sa loading bay ng Quezon Avenue – Fisher Mall sa Quezon City.

Ayon sa driver ng pampasaherong jeep na si Feliciano Ramos, paalis na siya sa loading bay makaraan magbaba at magsakay ng pasahero nang bumangga sa likuran ng kanyang minamaneho ang pampasaherong bus ng Universal Guiding Star dakong 8 a.m. kahapon.

Habang depensa ng bus driver na si Antonio Mercado, hindi kumakapit ang preno ng kanyang sasakyan kaya nagdesisyon siyang idaan ito sa gutter sa gilid ng footbridge para mabawasan ang impact.

Ngunit may isang babae na kabababa lang ng footbridge at hindi napansin ang parating na bus dahil nagte-text.

Bago bumangga sa jeep, nahagip ng bus ang naturang babae at pumailalim sa bus ang biktima.

Bukod sa naturang biktima na kritikal ang kondisyon, may apat pang pasahero ng jeep ang nagkaroon ng mga galos habang pitong pasahero ng bus ang nasaktan sa aksidente.

Iniimbestigahan ng Quezon City Traffic Sector 1 ang insidente habang tiniyak ng may-ari ng bus company na handa silang managot sa nangyari.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …