Monday , December 23 2024

Seaman nadulas sa barko tigok

112514 deadHINDI nagawang maisalba ang buhay ng isang seaman nang aksidenteng madulas at tumama ang ulo sa gilid ng bakal ng main deck ng barko hanggang sa mahulog sa Manila Bay ang 54 kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Patay na nang matagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang biktimang si Esmeraldo Malolot, may asawa, 3rd mate seaman ng M/V Spirit of Manila, isang passenger ship, at tubong Cagayan De Oro City.

Sa imbestigasyon ni PO2 Robinson Alsol, dakong 1:45 a.m. nang mangyari ang insidente sa Manila Bay, Pasay City.

Sa pahayag ni Joel Lagyap ng Philippine Coastguard, nakasakay ang biktima at naglalakad sa loob ng M/V Spirit of Manila nang aksidenteng madulas at nawalan ng balanse hanggang tuluyan mahulog sa dagat na may 15ft ang lalim ng tubig

Ipinabatid agad ni Lagyap sa mga kasamahan ang pagkahulog ni Malolot at nagsagawa ng rescue operation ngunit makalipas ang dalawang oras ay narekober ang bangkay ng biktimang si Malolot.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *