INAASAHAN ang pagtaas ng presyo ng koryente Enero ng 2015 sa kabila ng pagbaba ng presyo ng petrolyo.
Ayon kay Executive director Saturnino Juan, maaaring aabot sa apat sentimo kada kilowatt-hour ang karagdagang bayad makaraang aprobahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang feed-in-tariff allowance (FIT-ALL) para sa renewable energy projects.
Ang FIT-ALL ay ibibigay sa renewable energy players bilang insentibo para mag-invest sa mas mahal na sector.
Ang renewable energy players ay ang mga solar, wind, biomass at hydropower companies.
Sa ilalim ng FIT system, kailangan sundin ng renewable energy companies ang mga sumusunod na FIT rates: P9.68 kada kwh ng solar power, P8.53 kada kwh ng wind, at P5.90 kada kwh ng run-of-river hydroelectric power.