Monday , December 23 2024

PNP, nakahanda para sa ‘Christmas rush’ — Roxas

091114 mar roxasSA NALALAPIT na pagsapit ng Pasko at Bagong Taon, tiniyak ni Interior at Local Government Secretary Mar Roxas na handang-handa na ang 150,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) upang panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa lansangan.

Nakipag-ugnayan na si Roxas kay PNP OIC Chief Supt. Leonardo Espina upang masigurong nakatutok ang mga awtoridad sa mga lugar na pinamumugaran ng mga krimen tulad ng mga mall, estasyon ng LRT at MRT at terminal ng bus.

“Maglalagay tayo ng mga pulis sa mga lugar na ito dahil ang commercial areas ang pinupuntirya ng mga kriminal,” ani Roxas.

Kinumpirma ni Roxas na bumababa ang bilang ng krimen sa NCR dahil hindi bara-bara, hindi kanya-kanya at hindi ningas-kugong kalakaran sa ilalim ng OPLAN Lambat-Sibat.

Ipinaliwanag ng kahilim na bahagi nito ang “pasadya” kung saan naaayon sa katangian ng lugar ang uri ng operasyong ipatutupad ng pulisya. Tumutulong din sa pagpapanatili ng seguridad ang mga “force multiplier” tulad ng mga volunteer radio group at barangay tanod.

“Magandang Pamasko natin sa publiko ang ligtas na pamumuhay,” sabi ni Roxas.

Kabilang sa mga high-traffic at high-crime na lugar ang mga mall at shopping centers sa Marikina, Pasig, Mandaluyong, San Juan, Moriones, Ermita, Pasay, Makati, Muntinlupa, Taguig, Masambong, Cubao, Kamuning at Eastwood.

Payo ni Roxas, mag-ingat din ang publiko upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na pangyayari at upang panatilihing ligtas at masaya ang mga pagdiriwang ngayong Kapaskuhan.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *