Sunday , November 17 2024

Feng Shui, nagbayad ng penalty dahil may mga idinagdag pang eksena (Tetay, blooming at fresh ang aura)

SINABI ni Kris Aquino sa presscon ng Feng Shui na hindi pa sila tapos mag-shooting dahil binubusising mabuti ni Direk Chito Rono ang ilang eksena sa part 1 na gagamitin sa part 2. May mga additional scene pa silang kukunan kaya hindi umabot sa deadline ng Metro Manila Film Festival this December 25.

Ani Kris, okay lang silang magbayad ng penalty dahil gusto nilang mas mapaganda pa ang kanilang horror film.

Nagpasalamat si Kris kina Judy Ann Santos at Alfie Lorenzo dahil una pa lang inalok sa aktres ang nasabing horror movie pero tinanggihan ito ni Tito Alfie. Katwiran ng veteran  movie columnist, ”Katatapos lang namin ng horror film sa Regal Films. Sabi sa akin ni Juday, mahirap gumawa ng horror film, nakakapagod. Gusto muna niya magpahinga kaya hindi namin tinanggap ang ‘Feng Shui’. Nang dahil sa big success ng movie na ito, itinanghal na Queen of Horror si Kris Aquino  hanggang ngayon.”

Sinabi naman ni Direk Chito na, ”This is not the first time na inoperahan ako to do sequel ng horror movie ko. Tumawag sa akin si Kris about the ‘Feng Shui’ na gawin na namin. Sa totoo lang, ayaw ko na sanang gawin. Ten years na ang lumipas kaya marami ng pagbabago so, nagdesisyon akong gawin na nga ito. Ang horror sa akin ay kung sino ‘yung nasa bahay mo.”

Pawang papuri naman ang naging pahayag nina Kris at Direk Chito kay Coco Martin. Napaka-professional daw nito. Palaging on time sa set, walang ere sa katawan at napaka-humble.

Say ng Queen of All Media, ”As an actor, his the best. Sobrang galing niya. Egoless ganoonsiya kahusay.”

“Bago sa akin may lalaki sa horror film ko. First time ito dahil puro babae ang bida sa mga horror film ko. Pero I was surprise, mas mataas pa sa expectation ko ang ibinigay ni Coco sa pelikulang ito. Alam ko kung gaano siya kagaling dahil napanood ko ang kanyang mga pelikula. Magaling siyang talaga, his really an actor, more from the heart, mararamdaman mo naman ‘yun. Pinag-aralan niyang mabuti ‘yung  character na ipo-portray niya at nagawa naman niya. Nakita ko si Coco kung paano siya magtrabaho. It was a challenge for us to do a movie with Coco. I’m willing to work with him in the near future,” sambit naman ng magaling na director.

Say naman ni Coco, ”Ang mahirap sa horror, you have to believe para maging effective ‘yung role na ginagampanan mo. Noong first shooting namin nag-o-observe ako sa set. Ako ang nag-adjust, hindi ako nagbabasa ng script sa set. On the spot ako nagbabasa ng script.

“Pinag-aaralan ko ‘yung character ni Kris, ni Cherry Pie at iba pang nasa cast. Nahihiya ako  kapag nand’yan si Kris. Hindi ko alam kung  paano siya i-approach. Nahihiya man ako sa kanya, ako na ang lumalapit, small talk. Maganda ang samahan namin. Kapag hindi kami  kinukunan, nagkukuwentuhan lang kami ni Kris. Si Direk Chito naman, first time ko siyang makakatrabaho, takot nga ako sa kanya dahil alam ko kung gaano siya kagaling na director,” giit naman ni Coco.

Tetay, blooming at fresh ang aura

Sa kabilang banda, maganda ang aura ni Kris that day and she look young. Marami tuloy ang nakapansin na blooming siya. Ano kaya ang sikreto ni Tetay?

“Eight hours sleep, second, I don’t smoke, I don’t drink, hindi ako mahilig mag-party. Fresh juices everyday, green apple, carrot and 5 bottle of water a day,” aniya.

Sa totoo lang, doble ang saya at takot sa tambalang Kris at Coco dahil sa pagbabalik ni Lotus Feet. Kilabot, suwerte, at malas ang sasapit sa sino mang mangangahas na tumanggap ng kahit na ano mula sa kahindik-hindik na bagua. Abangan.

ni Eddie Littlefield

About hataw tabloid

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *