Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

15-anyos niluray Obrero kalaboso

111114 rapeWASAK ang kinabukasan ng isang 15-anyos na dalagita makaraan pagpasasaan ng isang obrero sa loob ng bahay ng biktima kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Swak sa kulungan ang suspek na kinilalang si Joselito Pontillano, 32, ng Bukludan Petunia St., Sampaguita Subdivision, Camarin ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong rape in relation to R.A. 7610 (Child Abuse)

Batay sa ulat ni Sr. Insp. Bernard Pagaduan, hepe ng Police Community Precint (PCP-5) dakong 2 a.m. nang maganap ang insidente sa loob ng kwarto ng dalagita sa Sampaguita Subdivision ng nasabing lugar.

Nanginginig at umiiyak na isinalaysay ng biktimang itinago sa pangalang Janice, 3rdyear high school student ang ginawang panghahalay sa kanya ng suspek na pamilya ang turing ng kanyang mga magulang.

Nagising na lamang siyang pilit na hinuhubaran ng suspek kasabay ng pagbabanta na papatayin kapag pumalag dahilan upang matagumpay na nagawa ni Pontillano ang panggagahasa sa kanya.

Pagkaraan ay agad naaresto ang suspek ngunit nadakip ng mga awtoridad sa follow-up operation.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

POLPHIL

Suspensiyon ng fuel excise tax hiniling sa pagtaas ng presyo ng langis

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang matibay nitong suporta sa panawagan ni …

Task Force Kasanag

Task Force Kasanag naghain ng reklamong plunder at graft laban sa mga opisyal ng NIA at mga kontratista; Dating mga opisyal ng DPWH kinasuhan din

QUEZON CITY — Inanunsyo ng Task Force Kasanag (TFK), sa pangunguna ni Dr. John J. …

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …