Monday , December 23 2024

Pemberton sa amin pa rin (Hirit ng US)

102314 pembertonIPINAGPILITAN ng Estados Unidos ang kanilang karapatang magkustodiya sa kababayang si US Marine PFC Joseph Scott Pemberton makaraan masampahan ng kasong murder kaugnay ng pagpatay sa transgender woman na si Jeffrey Laude alyas “Jennifer” noong Oktubre 11, 2014 sa isang hotel sa  Olongapo City.

Ayon sa kalatas na inilathala sa kanilang website, iginiit ng US Embassy sa Manila ang mga probisyon sa Visiting Forces Agreement (VFA), nagsasabing karapatan nilang pangalagaan pansamantala si Pemberton hanggang sa pagtatapos ng proseso ng kaso.

Sa kabila nito, tinitiyak ng kanilang bansa na patuloy na makikipagtulungan sa Filipinas upang makamtan ang hustisya at maproteksyonan ang mga karapatan ng lahat ng may kaugnayan sa kaso.

Nitong Lunes ay pormal nang sinampahan ng kasong murder si Pemberton ng Olongapo City Prosecutor’s Office.

Makaraan i-raffle, napunta ang kaso sa sala ni Judge Roline Ginez – Jabalde ng RTC Branch 74.

Desisyon ng korte kay Pemberton dapat sundin (Giit ng kampo ni Laude)

NANINIWALA si Atty. Harry Roque, counsel ng pamilya Laude, dapat pakaabangan ang inaasahang pag-iisyu ng arrest warrant kay US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton.

Ito’y makaraan sampahan ng kasong murder ng Olongapo Prosecutor’s Office ang American serviceman nitong Lunes kaugnay ng pagpaslang kay Jeffrey Laude o Jennifer noong Oktubre 11.

“Ito na ang simula ng mga hamon dito sa napakatarik na daan papunta sa katarungan,” pahayag ni Roque. Aniya, nag-aabang sila ng ilalabas na warrant of arrest mula RTC Branch 74, na may hawak ng kaso.

“‘Pag naisyu na po ‘yung warrant of arrest, ito na po ‘yung mas interesanteng parte dahil na rin po bagama’t si Pemberton ay diumano nasa (Camp) Aguinaldo bagama’t di natin alam ‘yan … kung naru’n talaga siya no, bagama’t siya ay nasa kustodiya pa rin ng mga kapwa niya Amerikano.”

Hamon aniya kay AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Catapang ang paglabas ng arrest warrant.

“Obligasyon po niya na arestuhin si Pemberton at hayaan ang hukumang magdesisyon kung saan dapat siya ikukulong. Wala pong kahit sinong pwedeng manghimasok sa hukuman,” pauna ni Roque sa hepe ng militar.

Ayaw ni Roque na maulit ang nangyari aniya noon sa Nicole rape case na dapat sana’y hukuman ang nasunod sa usapin ng kustodiya ng akusado.

Nasa facility ngayon ng Joint US Military Assistance Group (JUSMAG) sa Camp Aguinaldo  si Pemberton.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *