Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathryn, humahataw kahit wala si Daniel

112714 Kathniel

00 fact sheet reggeeHINDI kasama ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla sa Wansapanataym pero hataw pa rin ito sa ratings game. Patunay lang na kaya ni Kathryn ng walang ka loveteam.

Samantala, isang mahalagang desisyon para sa kanyang kinabukasan ang gagawin ng karakter ng Teen Queen na si Kathryn sa pagpapatuloy ng Wansapanataym Presents Puppy ko si Papi.

Sa gitna ng pagkakaayos ng samahan nilang mag-ama, muling susubukin ang pagmamahal ni Iris (Kathryn) para sa kanyang Papi Douglas (Dominic Ochoa) na binigyan siya ng kanyang lola ng pagkakataon na makapag-aral sa ibang bansa at maging mas malaya.

Si Khalil Ramos ang kapartner ni Kathryn sa nasabing episode ng Wansapanataym at kasama rin nila sina Marlann Flores, Chienna Filomena, Apollo Abraham, John Steven de Guzman, at John Lapus mula sa panulat ni Yam Tanangco Domingo at direksiyon ni Don Cuaresma.

Ang original story book ng batang Pinoy na Wansapanataym ay handog ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong may likha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng Walang Hanggan, Ina, Kapatid, Anak, Juan dela Cruz, at Ikaw Lamang. Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng Wansapanataym special ni Kathryn.

ni REGGEE BONOAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …