Sunday , November 17 2024

Kapit-tuko pa rin ang walang kahihiyang si D/G Bucayo?!

112714 BUCAYOPINATIGAS na rin ba talaga ang kahihiyan sa katawan ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Franklin Bucayo!?

Aba ‘e bukayong-bukayo na siya sa kapabayaan niya sa kanyang tungkulin at trabaho sa sambayanan ‘e nagagawa pa niyang ‘umikot’ sa iba’t ibang estasyon ng telebisyon at radio kahapon ng umaga para linisin ang kanyang pangalan at bolahin ang taong bayan matapos ang pagsalakay sa National Bilibid Prison (NBP) ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) na pinangunahan mismo ni Justice Secretary Leila De Lima.

Bistadong-bistado at bukayong-bukayo ang pagbubuhay-hari ng mga sentensiyadong bigtime drug lord at high profile detainee sa Maximun Security Compound ng Bilibid at talagang natambad sa publiko ang pagpapatuloy ng kanilang maluhong pamumuhay.

Imbes pagsilbihan ang parusang ipinataw sa kanila ng pamahalaan dahil sa karumal-dumal na pagkakalat at pagbebenta ng ilegal na droga lalo na ng shabu na pinagmumulan ng lahat ng uri ng kademonyohan, ‘e lingid sa kaalaman ng sambayanan napakasarap pala ng buhay nila sa Bilibid Prison at nagpapatuloy ang kanilang ilegal na transaksiyon sa loob mismo ng Maximum Security Compound.

Kung hindi ito alam ni Bucayo sa halos dalawang taon na siyang nakaupo riyan o kung alam na niya pero hinahayaan niyang magpatuloy, ano pa kaya ang silbi niya bilang Director General ng BuCor?!

Inabot pa nga ng suwerte si Bucayo nang pirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III Ang Republic Act 10575 (Bureau of Corrections Act of 2013) dahil hindi lamang modernization ng NBP at lahat ng penology sa ilalim ng BuCor ang pinag-uusapan dito kundi maging ang termino ng Director General na ginawang permanente sa loob ng anim na taon.

Ibig sabihin tila nagkaroon ng awtonomiya si Bucayo para maghari o pagharian siya ng mga drug lord sa loob ng anim na taon sa Bilibid.

Dapat nang tigilan ni Bucayo ang paglulubid ng kuwento o walang katapusang pagpapaliwanag sa media na pinalalabas niyang inosente siya sa mga nabuyangyang na ‘Lihim ng Guadalupe’ d’yan sa loob ng Bilibid.

Hindi siya isang inosente kundi isang ignorante dahil hindi siya nagsikap linisin ang Bilibid kaya nakonsinti pa lalo ang ilegal na transaksiyon ng mga bigtime drug lord sa loob.

Dapat ka nang mahiya Bucayo dahil ang natuklasan na ‘yan ni De Lima ay LUNDO na ng mga kapalpakan mo sa Bilibid!

Sonabagan!!!

Marami ang nagsasabi na matagal nang alam ni Bucayo ang mga nagaganap sa loob pero mukhang hindi niyang kayang labanan ang napakalaking sindikato ng ilegal na droga sa loob.

Hindi ba sapat na ‘yan para maintindihan ni Bucayo na incompetent siya sa kanyang puwesto?!

D/G Bucayu, wala ka nang iba pang dapat sulingan kundi ang mag-resign sa daang matuwid ni PNoy.

D’yan maraming pinabilib si ret. Gen. Totoy Diokno noon.

Minabuti niyang magbitiw sa tungkulin para huwag madamay sa kahihiyan si PNoy.

Pero ikaw D/G Bucayo, bukayong-bukayo ka na pero humihirit ka pa rin… ano pa ba ang hinihintay mo?!

RESIGN na!!! Tsupi!!!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *