Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bangkay ng bebot lumutang sa Tullahan River

112514 deadLUMULOBO na ang bangkay at walang saplot na pang-ibaba ang isang babae nang matagpuang nakalutang sa Tullahan river kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Inilarawan ng pulisya ang biktimang hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan, na may gulang 24 hanggang 28-anyos, may tattoo na paro-paro sa braso at Sam sa binti.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng sinasabing lalaking nakitang nakahubad sa pinangyarihan ng insidente upang mabatid kung may kinalaman siya sa insidente.

Base sa nakalap na impormasyon mula kay Sr. Supt. Rhoderick Armamento, hepe ng Valenzuela City Police, pasado 1 p.m. kamakalawa nang makita ang bangkay ng biktima na palutang-lutang sa Tullahan River sa Brgy. Marulas ng naturang lungsod, at nabatid na may mga saksak sa dibdib at braso.

Ayon sa isang residente na tumangging magpabanggit ng pangalan, kamakalawa dakong 1:30 a.m. nang may maispatan siyang malaking lalaking nakahubad malapit sa pader sa tabi ng ilog na kumuha ng dahon ng saging at tinakpan ang harapan.

Ilang sandali lamang ang nakalipas ay nakarinig sila ng sigaw ng isang babae na humihingi ng tulong ngunit sa pag-aakalang malayo ito ay hindi pinansin ng mga residente hanggang makita nilang may mga pulis na dumating.

Nang suriin ang bangkay, nakita sa ilalim ng bra ng babae ang aluminum foil na ginagamit sa pagsinghot ng shabu.

Dinala na sa crime laboratory ang bangkay upang mabatid kung ginahasa bago pinatay ang biktima ng salarin.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …