Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vietnamese cook nag-amok, 2 sugatan (Pagkain kinutya, dinuraan)

112514 crime sceneILOILO CITY – Nakakulong sa La Paz Police Station sa lungsod ng Iloilo ang isang Vietnamese national na tagaluto sa barko makaraan saksakin at itulak sa hagdan ang dalawa niyang kasamahan sa barko.

Nangyari ang insidente kahapon ng madaling-araw habang nakadaong sa Iloilo International Port ang cargo vessel na MV Quang Minh.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, kinutya at dinuraan ng mga biktima ang nilutong pagkain ng suspek na si Nnuyen Khacvu ng Hot Ken, Vietnam.

Dahil dito, nagalit ang suspek at sinaksak sa dibdib ang isa sa mga nanlait sa kanyang niluto na kapwa niya Vietnamese national, na kinilalang si Gian Van Moui, 33, habang itinulak sa hagdan ang isa pang kasamahan na si Dohuu Duc, 23.

Ang dalawa ay kapwa naka-confine sa ospital sa lungsod ng Iloilo habang sumuko sa kanilang kapitan na si Hoang Tro Thai, 40, ang suspek na dinala na sa Lapaz PNP.

Napag-alaman, pabalik na sana ang barko sa Vietnam makaraan maihatid ang mga dalang kargamento sa Iloilo ngunit maaaring maiwan sa lungsod ang suspek kung sasampahan siya ng kaso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …