Friday , November 15 2024

Usapang pergalan atbp

00 firing line robert roqueKUNG hindi kayo pamilyar sa salitang ‘pergalan’ ito ay mula sa mga salitang perya at sugalan na ipinagsama, para ilarawan ang sugal na namamayagpag sa karamihan ng maliliit na karnabal na nag-uusbungan na parang kabute sa tuwing malapit na ang Pasko.

Ang pergalan na dinudumog pati ng mga kabataan dahil sa color games at drop ball ay pana-panahon, at isa lang sa iba’t ibang ilegal na sugal na pinatatakbo ng gambling lords at operators na walang pinipiling panahon kapag naglalatag sila ng pasugalan sa nagustuhang lugar.

Kung sunod-sunod ang paglutang ng mga sugalan ay hindi rin maawat ang impormasyon na nakararating sa atin kaugnay ng kanilang pag-usbong at pati sa mga nagpapatakbo nito.

Ayon sa aking mga espiya, ang linggohang tong collection diyan sa Cavite para sa mga pergalan at pasugalan ay binili nitong si Caloy Colanding na para daw sa bagong upong Cavite provincial director na si Senior Superintendent Junel Estomo, Class ’92 ng PMA, na pumalit kay Senior Supt. Joselito Esquivel.

Sa panahon ni Esquivel ay hindi natinag ang puwesto ng mga bangka ng pergalan na sina Tessie sa palengke ng Silang, Jessica sa Salitran, at Sonny Atienza sa Naic.

At tiyak na patuloy ang maliligayang araw ng tatlong financier ng pergalan na ito kay Estomo, na binigyan daw agad ni Caloy ng goodwill money na P100,000 mula sa tatlo.

Sabi pa ng mga espiya na bukod diyan ay inayos na rin ni Caloy at ng kasama niyang si Ronald ang usapan para sa saklang patay ni Jun Guinto at 24 oras na Saklang Puesto Pijo sa boundary ng Bacoor at Las Piñas; at lotteng sa Bacoor na hawak ng pulis na si Junel Francisco.

“Jun Lakan” pa nga raw ang ginagamit na pangalan ni Jun Guinto para hindi mabuko ni mayor. Ang kubransa ay dinadala kina Roderick at Bong Jose na taga-Tramo Street. Ang dalawa ang namamahala ng lotteng at bukis ng EZ2 at Suertres para kay Lakan o Guinto.

Ang namamahala para kay Guinto sa 20 puwesto ng bukis ng karera sa pamamagitan ng tawag sa telepono ay taga-Tengco Street na si Nestor “Barurut,” na dati rin operator ng VK.

Patuloy na namamayagpag ang sakla at lotteng sa Bacoor, pati na ang 24-oras araw-araw na sakla sa boundary ng Bacoor at Las Piñas, pero bakit hindi ito maipatigil ni Mayor Strike Revilla?

Sa Bulacan naman ay nagkalat din ang peryahan diyan sa Barangay San Jose, San Miguel, na Michael Taba ang operator; Barangay Pinaod, San Ildefonso na operator si Domeng; Barangay Concepcion, Baliuag na pinatatakbo ni Linda Bakulaw; at Barangay Sto. Niño, Calumpit na ang operator ay si Tetet.

Makalulusot ba ang iba’t ibang klase ng sugal na ito kung hindi sila magbibigay ng goodwill money at lingguhang koleksyon para sa mga pinagpalang ‘panginoon’ na nagbibigay ng pahintulot o basbas para sila makapag-operate?

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *