WEARING a yellow collared t-shirt with a logo of ABS-CBN, hinarang namin si Alfie Lorenzo sa press party ng TV5 (at Centris last December 3) nang iluwa ng kanyang sasakyan near the entrance.
After a brief exchange of pleasantries, naitanong namin sa tanyag na talent manager cum columnist kung kumusta na sila ng kanyang alagang si Judy Ann Santos.
Modesty aside, to our credit ay inilabas namin dito ang tumitinding alitan nila ng aktres, however, “sanitizing” our item to protect the interests of both parties.
Admittedly, it was a column item based on hearsay pero mula sa kanyang bibig ay pinatotohanan nga ni Kuya Alfie that yes, there’s a rift between him and Juday.
Paano nga ba nagsimula ang alitang ‘yon? Inihalimbawa kami ni Kuya Alfie as the owner of a product who wanted to engage the services of Juday.
“Kunwari, kinukuha si Juday ni Ronnie Carrasco para mag-endorse ng product. Inayawan niya. Makita-kita ko na lang, nasa TV na ‘yung commercial. So, pinatulan din pala niya!”
Hindi roon nagtapos ang feeling ng pagka-bypass ng manager. “Ang ginawa ko, siyempre, finollow up ko ‘yung TF (talent fee) niya roon. Kesyo hindi pa raw iniri-release ‘yung tseke. Sabi ko, bakit? Ilang milyones ba ‘yon?”
In fairness though, his 30% manager’s commission landed on his palm. Nagkakahalaga raw ‘yon ng P300,00, pero bagay na kinuwestiyon daw ni Kuya Alfie.
“So, kung P300K ‘yon, lumalabas na P1.5M lang ang TF niya, which is impossible! Limang milyong piso nga, tinatanggihan niya, tapos, halagang P1.5, pinatulan niya?!” himutok ng manager.
Have he and Juday sat down para plantsahin ang gusot sa kanilang dalawa?
“Tine-text niya ‘ko. Ayaw niya kaming mag-usap sa phone, takot yatang mamura ko. Pero sa text, minumura ko siya. Ang akin lang, nag-asa-asawa siya, sana, sinabi na lang niya na ‘pag nag-asawa siya, ayaw na niyang magpa-manage!”
Jimboy, nag-request na makapagsuot ng diwata costume sa kasal
KARUGTONG ito ng aming kolum tungkol kay Filio Salazar-turned-Jimboy-turned-Jimgirl at balik-Jimboy uli, this after realizing perhaps nothing fruitful resulted—not only—in his coming out, but also donning women’s dresses.
Tip of the iceberg lang pala ‘yung palitan naming ng pag-uusap sa Facebook, with him giving Startalk the “upperhand” para ikober ang proposal sa kanya ng kanya ring gay lover named John at ang kanilang pagpapakasal (na balak daw nilang isabay sa petsa sa pag-iisandibdib nina Aiza Seguerra at Liza Dino).
Talk about Jimboy’s far-fetched idea of his wedding: sa beach daw niya ‘yon nais idaos with Startalk as their wedding sponsor.
Okey na sana ang pantasya ni Jimboy, reminiscent of the beach wedding nina Nora Aunor at Christopher de Leon sa Bauan, La Union noong dekada sitenta.
Pero hirit ng hitad sa amin, “Tito, gusto ko, naka-costume ako ng diwata, ‘yung babaeng-babae talaga ako na pagkaganda-ganda para mai-match ko naman sa kaguwapuhan ni John (who’s now in Singapore)!”
To our mind, okey din ang “trip” ni Jimboy with her fairy-like appearance. Pero para isponsoran yata ng Startalk ang kasalang ‘yon, hindi pa man, mentally, it triggered a tsunami and a storm surge combined!
Hindi kaya ibenta pa ni Jimboy ang wedding rights sa GMA?
ni Ronnie Carrasco III