Ayon sa cigarette vendor sa gilid ng convenience store, isang lalaking mapagkawang-gawa ang nag-abot sa pulubi ng mga kasuotang iyon na may kasama pang biskwit. Ay! Nakatutuwa naman ang nasagap kong balita sa tindera ng sigarilyo. Bihira na nga kasi ang may pakialam at may kakayahang makialam sa problema ng kapwa-tao.
Kinabukasan ng hapon ay tinawagan ako sa cellphone ni Pareng Ted para magkape kami sa paborito naming kapehan. Naroon na raw ang barkadahan namin; sina Pareng Boy, Pareng Bing, Ka Jimmy at Engr. Emil. Naparaan akong muli sa dating kinalulugaran ng taong grasa sa pagpunta sa Dunkin’. Pero hindi ko siya namataan doon. At wala na rin siya sa nilipatan niyang bagong puwesto. Wala akong ideya kung nasaan na siya o ano na ang nangyari sa kanya.
“Baka may nagmalasakit na dalhin ‘yun sa ospital,” ang hula ni Pareng Bing.
“Sa ospital ng Caloocan na palaging walang doktor at kulang sa mga gamit at pasi-lidad?’ singit ni Ka Jimmy. “Naku, kaya nga ‘Monalisa’ ang themesong para sa mga pas-yenteng dinadala roon, e.”
“Monalisa? Bakit naman?” naitanong ni Pareng Boy.
“’Di ba, sabi sa kantang Monalisa… They just lie there, and they die there…”
Nagkatawanan kaming lahat sa banat na pagpapatawa ni Ka Jimmy.
Dalawang linggo ang matuling lumipas…
“Dedo na ‘yung taong grasa…” bungad sa akin ni Engr. Emil nang maupo kami at magkakuwentohan sa plant box ng Poor Boy’s Café.
“Namatay ba sa sakit?” tanong ko.
“Siguro…” tango ni Engr. Emil.
“E, saan ba ‘yun inabot ng kamatayan?” usisa ko pa sa kanya.
“Dinig ko sa usap-usapan, e sa gilid daw ng Floresco…” ang tugon niya.
“Pa’nong nakarating ‘yun du’n?… Gumapang papunta ro’n?” pagkukunot-noo ko.
“Dinig ko, binitbit daw ang taong grasa ng mga tauhan ng isang politiko na kasalukuyan pang nasa kapangyarihan para doon na pumuwesto…” agap ni Engr. Emil.
Kumulo sa utak ko ang pagkabuwisit at napamura ako nang ‘di-oras.
Ang nabanggit kasing Floresco na pinagdalhan sa taong grasa ay isang pune-rarya na matatagpuan sa kahabaan ng Kal-ye A. Mabini sa Caloocan City, kung saan ibinuburol at pinaglalamayan ang mga namamatay. (Wakas)
ni Rey Atalia