BIGLANG SUMULPOT ANG KANYANG TATAY PINAGHAHANDA SILA PARA KAUNIN KINABUKASAN
“Karl Mark” ang buong pangalang ibinigay sa akin ni Itay na hango sa pangalan ng German philosopher, economist, sociologist, at revolutionary socialist na si Karl Marx. At kabilang sa mga aklat nito na paborito niyang basahin ang “The Communist Manifesto” at “Das Kapital” na sinulat ni Marx.
Madalas ko siyang makita na may hawak na aklat kahit sa oras ng kanyang pagtulog, sa pagkakape niya sa umaga at hanggang doon sa pag-upo niya sa trono ng CR namin ay ‘di pa rin niya mabitiw-bitiwan ang pagbabasa.
Pagkaalis na pagkaalis ng mga armadong kalalakihan ay marami akong naging katanu-ngan sa aking ina.
“Nanay, bakit po nila hinahanap si Tatay? At bakit may baril po ‘yung mga mamang nagpunta rito?” pag-uusisa ko sa kawalang-malay.
“Bata ka pa, anak… T’yak na ‘di mo rin maiintindihan ang ipaliliwanag ko,” ang tugon ni Nanay Donata.
Isang madaling-araw ay walang abog na sumulpot si Tatay Armando sa aming bahay. Nagising ang diwa ko sa pag-aanasan nila ni Nanay Donata. Sa pagmumulat ng mga matang namimigat pa sa antok ay nakita ko ang pananabik nilang dalawa sa isa’t isa. Mahigpit silang nagyakapan. Napahagulgol ng iyak ang aking ina. Ang tatay ko, pigil man ang luhang nangingilid sa sulok ng kanyang mga mata ay nabasag ang tinig na biglang namaos.
“H-hindi ako pwedeng magtagal dito,” aniya sa nanay kong ayaw bumitiw sa pangya-yakap. “Magbalot-balot na agad kayong mag-ina… Babalikan ko na lang kayo rito bukas nang madaling-araw.”
“B-bakit, Armando?” mulagat na naitanong ng nanay ko.
“Para magkasama-sama tayo…” ang tugon ng tatay ko.
“Saan mo kami dadalhin?” usisa pa ni Inay.
“Sa CS (country side)… sa sona…” ang sa-got ni Itay. (Itutuloy)
ni Rey Atalia