Sunday , November 17 2024

Kubot: The Aswang Chronicles, ‘di horror, kundi comedy/adventure movie

121614 Kubot

00 fact sheet reggeeLAS Vegas, USA—Ayaw ng pag-usapan ni Direk Erik Matti ang nangyari sa kanila ni Lovi Poe sa grand presscon ng Kubot: The Aswang Chronicles na entry ng GMA Films, AgostoDos, at Reality Films na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Building.

Matatandaang kasama si Lovi sa unang franchise ng Aswang Chronicles bilang leading lady ni Dingdong Dantes, pero biglang umurong sa hindi malamang dahilan at pinalitan siya ni Hannah Ledesma.

Ayon kay direk Erik, “tapos na ‘yun Christmas na. Ako nasabi ko na ang lahat ng gusto kong sabihin sa post na ‘yun so after that with Hanna Ledesma (artistang pumalit kay Lovi) with that ok na.

“Kung wala kaming nahanap na Hanna malamang siguro hindi pa ako ok,” pahayag ng direktor.

Dagdag pa, “So ayan na tapos na ang movie, rati nagpa-panic kami na hindi kami matatapos, pero ngayon at least tapos na ang movie, everyone is happy.”

Tinanong din si Dindong tungkol dito bilang isa sa producer ng Kubot: Aswang Chronicles kung naapektuhan nga ba siya sa isyu?

“Lahat naman ng proseso sa paggawa ng pelikula, lahat naman hindi puro magaganda, ang mahalaga eh ‘yung final result.

“This is what we have, so lahat naman ng nangyari ay nakatulong sa amin para sa experience sa paggawa ng mga susunod namin.

“Mas maganda sana kung ‘wag na nating i-tackle kung ano ‘yung past ang mahalaga is we learn from it,” punto naman ng aktor/producer.

Samantala, natanong din ang producers tungkol sa Feng Shui at Shake, Rattle and Roll XV kung ano ang pagkakaiba sa Kubot.

“We’re not really a horror movie, if you look at the kind of trailer that we put up its really an adventure movie, an action-adventure movie lots of comedy of course kapag narinig mong aswang ‘ay horror’ but you’ll realize one of the aswang is Jun Sabayton, so hindi ko na iisipin talaga na horror ‘yun, comedy agad.

“I think mahirap ‘yung timpla na ginawa namin sa trailer because we really don’t want to send the signal na horror siya, kasi we really don’t want to get into that side of the movie.

“Talagang adventure movie siya from start to finish, the whole movie happened in three days,” paliwanag pa ni direk Erik.

Kasunod nito ay agad ding sinagot ng direktor ang tanong kung hindi ba sila natatakot banggain ang iba pang pelikulang binubuo ng box-office stars.

“Maganda ang kuwento tatayo ‘yun eh, in our case kasama naman namin si Dong, two time best actor, hindi na namin kailangan ang iba pang box office.

“Sa totoo lang, we put together a really interesting cast members.

“If you’re gonna see Lotlot (De leon), I hope you can see it, sayang lang na walang premiere eh, sobrang saya, and I was surprise na first time pala niya na gumawa ng ganito ka-lukaret na role.

“You’ve never seen Isabelle (Daza) doing all the physical, and we made sure na kita talaga ang mukha niya and of course knowing that were joining Metro Manila Film Fest we put in a whole rollercoaster ride of popcorn friendly na movie there’s a lot of fun in it, a lot of excitement in it, I think that alone is enough for the Christmas season for the family to enjoy it, barkada would specially enjoy it,” diretsong sabi ng direktor.

ni Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *