AYON sa pagsasaliksik ang pagpapasalamat ang isa pinaka-epektibong paraan upang lalo pang lumigaya. Ito ay mainam ding paraan na pagtiyak na ikaw ay namumuhay sa sandali at humihikayat ng kasaganaan sa bawat erya ng iyong buhay. Sa ating pagpapasalamat sa lahat ng bagay na ating natamo – at bawat bagay na ating nais makamit – tayo ay nagpapadala ng powerful energy sa universe, at ang universe na naka-align sa nasabing enerhiya, ay magpapadala sa atin ng higit pang biyaya dahil sa ating pagpapasalamat.
Ngunit ang pagpapasalamat ay hindi tungkol sa “Mahalaga ba ito sa akin?” Kundi pagpapakita ng appreciation sa iba. At isang paraan ng pagpapatupad nito ay ang pagpapadala ng sulat ng pasasalamat.
Ngunit dapat nating tandaan na ang sulat ng pasasalamat ay hindi basta thank you note lamang. Ang thank you notes ay awtomatik, kadalasang napipilitan, at karaniwang ganito ang ginagawa ngayon, at walang kasamang personalized message.
Mainam din ang pagpapadala ng thank you notes dahil maging ang maliit na pagpapahayag ng pasasalamat ay mahalaga rin at ito ay makagagaan ng pakiramdam sa nagpadala gayundin sa tatanggap ng mensahe.
ni Lady Choi