MULING nagbabala ang Department of Education (DepEd) na bawal ang ano mang koleksyon ng pera sa mga paaralan para sa pagdaraos ng mga party sa pampublikong paaralan ngayong Kapaskuhan.
Ayon kay Education Secretary Br. Armin Luistro, bagama’t awtorisado ang Parents-Teachers’ Association (PTA) na maningil sa mga miyembro, dapat ay boluntaryo lang ang gagawing koleksyon para sa pondong gagamitin sa Christmas party ng mga mag-aaral.
“The payment of such contributions shall not be made a requirement. Non-payment of voluntary school contributions shall not be made as a basis for non-admission, non-promotion, or non-issuance of clearance to a student-including the withholding of school cards,” paalala ng kalihim.
Giit niya, dapat panatilihing simple ngunit makahulugan ang mga selebrasyon lalo’t may iba pang ginagastusan ang mga magulang sa pagpapaaral ng kanilang mga anak.
Rowena D. Hugo