“ACTUALLY, ‘yung boyfriends namin, sila talaga ang mag-on,” pabirong pahayag ni Isabelle Daza sa presscon ng filmfest entry na Kubot: The Aswang Chronicles nang tanungin kung nagbibigayan ba sila ng tips ng bestfriend niyang si Solenn Heussaff dahil parehong foreigner ang boyfriend nila.
“Kasi parang sobrang bestfriends sila, na minsan kami ni Solenn, nao-OP kami. So that’s why we plan our trips together para silang magsama,” dagdag pa niya.
Kung si Nico Bolzico ay nag-propose na kay Solenn, si Isabelle naman ay wala pang planong magpakasal kay Adrien Semblat?
“ Mga ten years pa, “ sambit niya.
True ba ‘yan na 10 years pa?
“Okay, five, five,” pagbawi niya.
Hindi naman daw selosang girlfriend si Isabelle kahit maraming naghahabol sa executive at football player niyang boyfriend.
Pero kampante siya kahit maraming nagtangkang ‘aswangin’ ang bf niya.
“Marami na! Pero, wala lang…deadma,” sambit pa niya.
Tsuk!
ni Roldan Castro