Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak ni Robin na si Camille, hanga sa pagho-host ng ama

NAALIW kami sa kuwento ni Mariel Rodriguez sa pagdating ng anak ni Robin Padilla kay Leah Orosa na si Camille. Inglisera kasi ang  dalaga at hindi marunong mag-Tagalog.

“Umalis si Robin, ‘di ba? Galing siya ng Japan? Pag-uwi niya, napansin ko na napagod nga yata ito. Paano, ‘di na nag-effort mag-English, Tagalog niya kinakausap ang anak niya, tina-translate ko. ‘Yun ang role ko. Alam ko kasi ‘pag pagod siya o lalo na ‘pag bagong gising siya, ‘di siya nag-i-English. Sasabihin niyan, ‘Sandali lang, kagigising ko lang.’”

Nasorpresa talaga si Binoe sa pagdating ni Camille galing US dahil pinag-ipunan ng dalaga ang pagbili ng plane ticket. Four years din palang hindi niya nakikita ang anak.

“Noong bago kami ni Robin, nandito lahat ng mga anak niya, ‘tapos ngayon lang uli. Kaya talaga it was such a special moment for him, I really want him to bond with his children. Talagang natutuwa ako because ang talagang nagbibigay ng happiness kay Robin are his children,” sambit pa ni Mariel nang makatsikahan namin sa grand finals ng Talentadong Pinoy 2014.

Hanggang ngayon na lang si Camille sa Pinas at ‘di na makakasama ang ama sa Pasko.

“Camille is here until the 16th, mahal na ‘yung ticket ‘pag nagpa-rebook siya. Pera lang niya ang ginamit niya tapos sumakto,” bulalas pa ni Mariel.

Pero nang mapanood daw ni Camille ang Talentadong Pinoy, sey niya… ‘Dad, you’re such a good host.’

Anyway ang Ultimate Talentado noong Sabado ay isang Davaoeño Hall of Famer na si Neil Rey Garcia. Nag-uwi siya ng P1-M cash prize.

Congrats!

ni Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …