KIDAPAWAN CITY – Umakyat sa 78 katao ang isinugod sa Aleosan District Hospital sa bayan ng Aleosan, North Cotabato dahil sa amoebiasis.
Karamihan sa mga biktima ay nakaranas ng sobrang sakit ng tiyan, pagsusuka at pag-LBM.
Ang mga dinapuan ng sakit ay nagmula sa Sitio Bliss, Brgy. Pagangan, Aleosan, Cotabato.
Ayon kay Dra. Elizabeth Barrios, medical officer lll ng Aleosan District Hospital, ang mga biktima ay positibo sa amoebiasis mula sa tubig na kanilang iniinom na pinaniniwalaang kontaminado ng bacteria.
Sa 78 isinugod sa Aleosan District Hospital, nasa 48 ang out-patient habang 30 pasyente ang nanatili sa pagamutan.
Ang swab test sa mga biktima ay ipinadala na sa DoH-12 regional office para matukoy kung anong klaseng bacteria ang nahalo sa tubig na nainom ng mga residente ng Sitio Bliss, Brgy. Pagangan, sa bayan ng Aleosan.