Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 patay, 17 sugatan sa jeep vs truck

080714 road accidentCAGAYAN DE ORO CITY- Patay ang apat katao habang 17 ang sugatan sa banggaan ng Talakag liner at prime mover truck na may kargang container van sa Sitio Balaon, Brgy. San Isidro, Talakag, Bukidnon kamakalawa.

Inihayag ni PO3 Charlie Ganzan ng Talakag Police Station, tatlong pasahero ang dead on the spot na kinilalang sina Irish Mae Napay, 13; Ethel Talaro at Blezel Cornita.

Samantala, isa pang pasahero ang namatay habang ginagamot sa lungsod.

Nagmula sa Cagayan de Oro City ang pampasaherong jeep sakay ang 27 pasahero nang maganap ang insidente.

Mabilis ang takbo ng Talakag liner nang mabangga nito ang prime mover truck.

Ang mga sugatang pasahero ay naka-confine ngayon sa J.R. Borja City Hospital at Nothern Mindanao Medical Center. Isa sa kanila ang nasa kritikal na kalagayan na kinilalang si Arnold Paano, driver ng jeep.

Kasong reckless imprudence resulting in homicide at multiple frustrated homicide ang kahaharapin ng truck driver na si Angelito Panangin na sumuko sa Lumbia Police Station sa lungsod .

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …