COOL na humarap si Direk Erik Matti sa presscon ng Kubot: The Aswang Chronicles at mukhang naka-move on na siya sa isyu sa kanila ni Lovi Poe.
Nasabi na raw ni Direk ang dapat niyang sabihin sa post niya sa Facebook. Tapos na raw ‘yun at Pasko na. Kuntento at happy na rin siya sa pagkuha sa beauty queen na siHannah Ledesma.
Tampok sa Kubot sina Dingdong Dantes, Isabelle Daza, Joey Marquez, Lotkot De Leon, Ramon Bautista atbp..
Opisyal entry ito sa Metro Manila Film Festival na hinuhulaan kung magiging filmfest best actor ulit si Dingdong. Nakadalawa na siyang tropeo sa kategoryang ito.
Actually, mas maingay ang Best Actor category sa MMFF dahil nandiyan pa ang last year best actor na si Robin Padilla sa Bonifacio, Unang Pangulo. Nandiyan din ang award winning actor na si Coco Martin sa Feng Shui. Si Vic Sotto na may tatlong episodes sa My Big Bossing.
‘Yun na!
ni Roldan Castro