Sunday , November 17 2024

Marion Aunor, sobrang dami ng blessings ngayong 2014

MATATAPOS na lang ang taon ay may humabol pang bagong recognition kay Marion Aunor nang manalo siya sa katatapos na 27th Awit Awards bilang Best Performance by a New Female Recording Artist para sa kantang If You Ever Change Your Mind.

Actually, nominated sa tatlong kategorya rito si Marion, kabilang ang Best Jazz Recording (Sex on Legs) at Best Musical Arrangement (Do Do Do). Bukod sa bagong blessings na ito, nanalo rin si Marion sa nagdaang PMPC Star Awards for Music.

Nang maka-chat ko ang mother niyang 80’s teenstar na si Maribel Aunor, nasabi nga nito na masayang-masaya si Marion sa nakuhang parangal. Bukod kasi sa award, si Marion din ang isa sa naging host dito kasama sina Gino and Josh Padilla.

Sa panig naman ni Marion, nang maka-usap namin siya sa FB ay aminado ang talented na singer/composer na maraming blessings ang dumating sa kanya ngayong 2014. “Medyo challenging po yung year na ‘to sa akin. Pero I think, pinakanag-grow po ako as a person this year. Marami akong natutunan and na-experience na bagay na nakatulong po sa akin para mag-evolve. And I’m very happy na maraming sumusuporta sa akin – family, friends, and mga fans na tumutulong sa akin to live my dream.

“Pero siyempre may mga highlights po like winning the PMPC award, being an interpreter in Himig Handog, joining Elements, and having shows abroad. So excited po ako sa kung ano pang blessing na ibibigay sa akin ni God.”

Bukod sa successful concerts sa US at Canada with Mitoy Yonting, Klarisse de Guzman, at Darren Espanto, nasabi ni Marion na natutuwa siya sa fans ni Kathryn Bernardo sa magandang feedback ng kantang You Don’t Know Me na likha ng talented na anak ni Ms. Lala Aunor.

“Right now, very happy din ako dahil may napanood po ako na video of Kathryn singing my composition You Don’t Know Me live and sobrang memorize na ng fans niya yung song. So, it’s an awesome feeling,” saad ni Marion.

“Then before po ako nag-Canada, nakasali po ako sa Elements Songwriting Camp as one of the 60 campers na nag-audition. Learned a lot from Mr. Ryan Cayabyab and all the other mentors na talagang big names sa Philippine music industry,” dagdag pa niya.

WALLY KALOKALIKE, GUEST SA THE SINGING BEE SA DEC. 16

MAPAPANOOD ang komedyanteng si Wally Waley (aka Paul Sy) sa The Singing Bee nina Rode-rick Paulate at Amy Perez sa December 16. Isa si Wally sa celebrity contestants sa naturang game show ng Dos. Kasama niya rito ang singer/comedian na si Mitoy Yonting at komedyanteng si Hyubs Azarcon.

Mas nagiging aktibo ngayon si Wally sa telebisyon. Bukod sa It’s Showtime, regular din si Wally sa ABS CBN gag-show na Home Sweetie Home na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz.

Lumalabas din si Wally sa mga out of town shows kaya nabanggit niyang natutuwa siya sa nangyayari sa kanyang career dahil hilig talaga niya ang pag-arte at mag-entertain ng mga tao.

“Elementary pa lang ako, nag-church base theater na ako. Tapos sa community, school theater, hanggang university theater na. Tapos po, ‘di ako nakapagtapos sa pag-aaral dahil ang pinag-ipunan ko hindi ang pang enroll-sa school, kundi pang-enroll sa workshop. Doon po iyon sa Gantimpala para maging titser ko po si Kuya Bodjie Pascua ng Batibot po.

“Nag-start po ako sa Gantimpala Theater Foundation noong 2003. Tapos naging mainstay po ako sa H30: Ha Ha Ha Over (QTV 11), dating show ito nina Sir Wally Bayola, Jose (Manalo) at Gladys (Reyes),” saad ni Wally na idinagdag pang sobrang blessings ang mapasali siya sa sitcom nina Toni at Lloydie.

Si Wally kalokalike ay gu-maganap kasama si Bearwin Meily sa sitcom na ito bilang mga kababata at kasama sa trabaho ni John Lloyd. Nagpapasalamat si Wally dahil kahit sikat si Lloydie ay walang ere daw ang Kapamilya star sa mga tulad niyang baguhan. Ayon pa kay Wally, pati si Toni na nakasama na niya dati sa Kokey ay nakapabait din.

ni Nonie V. Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *