Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-utol lasog (Motorsiklo sumalpok sa jeep)

112514 deadKAPWA namatay ang mag-utol matapos bumangga sa kasalubong na pampasaherong jeep ang kanilang sinasakyang motorsiklo nang ma-overtake  sa isang bus sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.

Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Orwin Apin, 30-anyos at nakababatang kapatid na si Oscar Apin Jr., 29, kapwa residente sa Alibangbang St., Pangarap Village, ng nasabing lungsod sanhi ng mga pinsala sa ulo at katawan.

Batay sa ulat ni  SP02 Edgar Quintos, may hawak ng kaso, dakong 12:35 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Quirino Highway, Brgy. 183 ng nasabing lungsod.

Sakay ang magkapatid ng Honda motorcycle (1468-TL) na minamaneho ni Orwin at binabagtas ang Quirino Highway ngunit pagsapit sa tapat ng Better Living Tiles and Bath Center sa naturang lugar ay nag-overtake ang mga biktima sa pampasaherong Cem Transit bus  pero bumulaga sa kanila ang pampasaherong jeep na hindi nila naiwasang salpukin.

Tumilapon ang mga biktima nang halos 20 metro ang layo bago bumagsak sa sementadong kalsada na naging dahilan ng agarang kamatayan ng magkapatid.

Mabilis namang sumibad patungong San Jose Del Monte, Bulacan ang hindi  nakikilalang driver ng pampasaherong jeep na hindi nakuha ang plaka.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …