Sunday , January 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lotlot, napaamin si Janine na BF na si Elmo

NIRERESPETO ni Lotlot De Leon kung ano ang desisyon ng kanyang mga anak gaya ng pagtanggi ni Janine Gutierrez sa beauty pageant. Pero pagdating sa pag-aartista nito ay ginagabayan niya.

“Sabi ko, ‘Mahalin mo ‘yang trabaho mo. Hindi puwedeng yang mga akting mo eh palpak. So ‘yun, I think ang pinaka-challenge ni Janine sa sarili niya kasi gusto ring masabi ng bata na may nagsasabi sa kanya na magaling din siyang umarte,” bulalas ni Lotlot nang makatsikahan siya sa presscon ng  filmfest entry na Kubot: The Aswang Chronicles na pinangungunahan ni Dingdong Dantes.

Ano ang feeling na isa si Janine sa prinsesa ngayon ng Kapuso  Network at nagre-rate ang show?

“Nakatutuwa! Dahil bilang pinaghirapan ko rin ang pagsisimula ng anak ko at ginabayan ko talaga ng bonggang-bongga. Kaya siyempre kung anuman ‘yung na-achieve ni Janine o kung anuman ang mayroon si Janine ngayon, nakatutuwa. Nakaka-proud,”  reaksiyon niya.

Ano naman ang first reaction niya nang malaman niyang boyfriend na ni Janine siElmo Magalona?

“Nakita ko sa ngiti ni Janine, eh. Tapos sabi ko sa kanya, actually ‘yung una, sabi ko, ‘Anak, nililigawan ka?’ Sabi niya, ‘Mom, we’re just friends!’ Sabi ko, ‘Huwag mo akong showbiz-in, Janine, ha? Hindi ako showbiz, nanay mo ako.’ Sabi ko, ‘Nag-date na kayo?’Tapos ngumiti siya ulit, sabi niya, ‘No mama, we went out with friends.’ Sabi ko, ‘Ah you went out with friends. Kayo, you went out na?’ Sagot ‘Eh…’ Sabi ko, ‘Janine!’ ‘Yes mama, we went out na!’ Kinailangan ng push na, ‘Janine!’ para umamin ang anak ko,” kuwento ni Lotlot na sinabayan ng tawa.

ni Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …