Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasalang Aiza at Liza, Twilight inspired

00 fact sheet reggeeLAS Vegas,USA—Habang naglalakad kami sa Mandalay Bay Casino ay nagpakuwento kami kay Sylvia Sanchez kung kumusta ang kasal nina Aiza Seguerra at Liza Dino at bakit barn wedding ang napiling concept?

“Twilight inspired nga, hinihintay ko nga bumaba sina Bella (Swan) at Edward (Cullen) kasi ang dami-daming puno.

“Ang ganda ng wedding, Reggee, very emotional sila pareho, napaka-intimate. Si Liza iyak ng iyak habang naglalakad patungo sa harap, si Aiza naman, sobrang nangangatog, hindi malaman ano gagawin,” dire-diretsong sabi ng aktres.

Nabanggit na bago magsimula ang seremonya ay nakita nilang nagkakabit ng mga ilaw si Aiza sa venue ng kasal.

“Do It Yourself kasi ang usong kasal dito sa Amerika, dumating kami sa venue ng 2:30, inabutan pa namin si Aiza nagkakabit ng mga ilaw samantalang 3:00 p.m. ang kasal, kaya kaming lahat ng kaibigan niya ay tumulong sa pag-aayos.

121514 aiza liza
“Sina Arjo at Ria (Atayde) maski na nakabihis, tumulong sila sa mga gagawin.

“Alas tres na pumasok si Aiza para magbihis kaya 3:30 p.m. na nagsimula ang ceremony,” kuwentong paliwanag ni Ibyang.

Kilalang sagradong Katoliko ang asawa ni Ibyang na si Art Atayde kaya tinanong namin kung paano siya napapayag na maging ninong kina Aiza at Liza?

“Siya (Ibyang) ang abogado ko, sa kanya nagsabi, eh, mabait at kaibigan namin si Aiza kaya pumayag ako. Sa message ko nga, eh, sabi ko, sa lahat ng kasal na kinuha akong ninong, this is unusual, kasi nga same sex marriage.

“Pero wala tayong magagawa, nagmamahalan sila (Aiza at Liza), ano naman ang magagawa ko, alangan namang pigilan ko, very emotional nga ‘yung dalawa, eh,”katwiran ni papa Art.

Nabalitaan naming may mga inalok na maging ninong at ninang sina Aiza at Liza pero tumanggi raw kaya sobrang nagpasalamat ang dalawang aktres sa mga nakaintindi sa kanila.

121514 aiza liza 2
Paano naman napapayag si Ibyang para maging ninang? Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na maraming bumabatikos sa ginanap na kasalan ng dalawang aktres.

“Reggs, kaibigan ko si Aiza, mahal ni Aiza pamilya ko, nine years old palang si Arjo, nagkakasama na sila, minahal ni Aiza buong pamilya ko, mabait siya sa amin, kaya anong dahilan para tanggihan ko?

“At saka nakita ko si Aiza kung paano siya sumaya, kasi nagkabalikan sila ni Liza umpisa ng ‘Be Careful (with my Heart)’, sobrang inspired siya, kitang-kita ko kung gaano siya kasaya, iisa ang sinasabi niya, paano niya mapapasaya si Liza pati anak nito. Sobrang mahal ni Aiza ang anak ni Liza.

“At paano ko pipigilan ang dalawang taong nagmamahalan, sobrang nagmamahalan? Sino ako para manghusga?

“Kung iba ang tingin ng ibang tao, bahala sila, choice nila, basta ako, mahal ko si Aiza at si Liza, sobrang mabait sa pamilya ko,”  pangangatwiran din ni Ibyang.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …