Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dream Dad, pinadapa ang More Than Words ng GMA

121514 zanjoe dream dad

00 fact sheet reggeePARAMI na ng parami ang viewers na nahu-hook sa charming teleserye ng bayan naDream Dad ng ABS-CBN na pinagbibidahan ng pinakabagong Kapamilya “couple” na sina Zanjoe Marudo at child star na si Jana Agoncillo. Patunay dito ang datos mula sa Kantar Media noong Huwebes (Disyembre 4) kung kailan humataw ang primetime TV series sa pinakamataas nitong national TV rating na 32.2%. Ito ay doble ng nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na More Than Words (16%).

“Nakakataba ng puso at nakakatanggal ng pagod ‘yung suporta na ibinibigay ng mga tao sa amin. Masayang-masaya ako para sa lahat ng bumubuo ng ‘Dream Dad,’ lalo na para kay Jana dahil isa siya sa inaabangan ng viewers gabi-gabi,” pahayag ni Zanjoe na gumaganap sa teleserye ng ABS-CBN bilang si Baste, ang “Mr. President” ng batang ulila na si Baby na siyang ginagampanan ni Jana.

“Suwerte kami na si Jana ang napili na gumanap bilang Baby dahil perfect talaga siya para sa role. Bilib ako sa kanya kasi kahit na madalas kaming maglaro sa set, handa siya lagi tuwing magkaka-eksena na kami. Memoryado niya lahat ng mga linya niya at napaka-natural niyang umarte,” dagdag ng Dream Dad lead actor.

Ayon kay Zanjoe, mas marami pang feel-good moments ang dapat tutukan ng mga manonood sa pagpapatuloy ng kuwento nina Baste at Baby sa Dream Dad.

“Nagsisimula pa lang ang lahat para kina Baste at Baby. Dapat abangan ng viewers kung paano nila haharapin ang mga pagsubok na darating sa kanilang buhay ng magkasama at kung paano nila tutulungan ang isa’t isa na marating ang kanilang mga pangarap,” ani Zanjoe.

Huwag palampasin ang pinakabagong feel-good family drama series na magpapangiti sa puso ng viewers, Dream Dad, gabi-gabi, pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng Dream Dad, bisitahin lamang ang official social networking sites ng programa saFacebook.com/DreamDadOfficial, Twitter.com/DreamDadTV, atInstagram.com/DreamDadTV.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …