Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, never sinukat ang halaga ng ibabayad sa kanya (Sa paggawa ng pelikula, maging ito’y indie film)

NAGULAT kami sa sinabi ng actor na si Coco Martin noong press conference ng kanyang festival movie, iyong Feng Shui. Sabi kasi niya, “kahit na noong gumagawa nga ako ng mga indie movie, hindi ako nagtatanong kung magkano ang kikitain ko sa pelikula. Ang mahalaga kasi sa akin, ano ba ang matututuhan ko sa gagawin kong pelikula at kung ano ba ang mararating ng pelikulang gagawin ko. Iyong pera, at iyong kita ng pelikula, mahalaga lang iyan at the moment, pero kalaunan, ang tatanungin mo na ay kung ano nga ba ang naabot ng pelikula mo.”

Hindi na bago ang ganyang mga klase ng pangangatuwiran sa amin, pero iyan ay naririnig lamang namin doon sa mga beteranong artista talaga. Nagulat kami na ang isang batambatang actor na kagaya ni Coco ay may ganyang pananaw na sa kanyang propesyon bilang isang artista.

Makikita mo sa ganyang pangangatuwiran na hindi pala isang propesyon lamang ang turing niya sa pagiging artista kundi isang form ng self expression. Ganyan ang tunay na artista talaga.

May mga matatawag kang mga commercial actor. Iyan iyong mga artista na ang hangad lamang ay kumita. Kahit na anong proyekto gagawin nila dahil ang katuwiran nga nila “trabaho rin iyan”. Madalas mo ring maririnig, “samantalahin mo na habang sikat ka dahil hindi habang panahon iyan”. Iyang mga artistang ganyan ang attitude, sisikat nga iyan pero hindi nagtatagal ang kasikatan ng mga iyan. Mapapansin mo, maraming artistang sumikat pero pagkatapos halos hindi na pinapansin. Kasi nga mabilis silang pinagsawaan ng mga tao, dahil kung ano-anong proyekto ang ginagawa nila.

Ang iniisip lang nila ay kumita sila ng pera. Dahil iyon ang talagang intention nila, nangyari naman. Kumita naman sila ng pera pero hindi nagtagal ang kanilang career.

Iyong mga kagaya ni Coco, iyan ang mga artistang tumatagal talaga ang career.

Pag-amin nina Megan at Mikael, ‘di na issue

ISSUE pa nga ba ang sinasabi nilang tila pag-amin nina Megan Young at Mikael Daez ng kanilang relasyon? Naging usap-usapan na naman iyan ng parehong mag-post sa kanilang social networking account over the weekend sina Megan at Mikael ng kanilang mga picture sa isang beach, na hindi lang basta magkasama ha, kundi very romantic. Noong una, dahil silhouette lamang iyon, pinahulaan pa nila kung sino ang kasama ni Megan, eh obvious namang si Mikael iyon.

Hindi man umaamin, obvious naman kahit noon pa lang na magsyota ang dalawa. Bakit nga ba kailangang ma-interview si Mikael tungkol sa pagiging Miss World ni Megan kung wala naman silang koneksiyon? Common knowledge sa mga kakilala nila na talagang may relasyon na sila noon pa man. Hindi nga lang siguro nila maamin dahil sa nagiging takbo ng career nilang dalawa.

ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …