Monday , December 23 2024

Chinese trader dinukot sa Batangas

082714 police line crimeNAGA CITY-Nakaalerto ang buong PNP sa lalawigan ng Quezon makaraan marekober sa bayan ng Tiaong ang sasakyan ng dinukot na negosyanteng Chinese sa lalawigan ng Batangas.

Sa ulat ni Chief Insp. Francis Pasno, Deputy Chief of Police ng PNP-Tiaong, pasado 10 a.m. kamakalawa nang dukutin ang negosyanteng si Jefferson Ty.

Lulan ang biktima ng kanyang asul na Nissan Frontier Navara (NQD-689) sa bayan ng Padre Garcia patungo sana sa kanyang pag-aaring farm nang dukutin ng hindi nakikilalang mga salarin.

Pasado 12:45 a.m. kamakalawa nang makita ng isang barangay kagawad sa Brgy. San Agustin, sa bayan ng Tiaong ang sasakyan ng biktima na umaandar pa ang makina.

Agad nakarating sa mga pulis ang pangyayari at sa kanilang pagresponde ay nakompirmang pag-aari ng biktima ang sasakyan.

Ayon kay Pasno, posibleng nanlaban sa mga salarin ang biktima dahil may bakas ng dugo sa loob ng sasakyan at nakakalat din ang kanyang mga gamit.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *