NAKATAKDANG dumating sa susunod na taon ang unang batch ng mga bagong biling fighter jets mula sa South Korea.
Nasa P18.9 billion ang halagang inilaan ng pamahalaan para sa pagbili ng fighter jets mula Korea Aerospace Industries na gagamitin ng Philippine Air Force (PAF).
Habang ang final delivery ay matatapos sa taon 2017.
Nasa 12 FA-50 fighter jets ang bibilhin ng pamahalaang Aquino bilang bahagi ng modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa pagbisita ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa South Korea, ininspeksyon niya ang model ng FA-50 sa Gimhae Air Base sa Busan, South Korea bago siya umuwi pabalik ng Filipinas.
Nagtungo si Pangulong Aquino sa Busan para dumalo sa dalawang araw na Asean-Republic of Korea Commemorative Summit.
Ikinatuwa ng pamunuan ng Philippine Air Force ang balita na sa susunod na taon darating ang unang batch ng FA-50 fighter jets.
Magugunitang ang pagbili ng Philippine government ng fighter jets ay dahil sa nagpapatuloy na tensiyon sa West Philippine Sea.