MAGDARAGDAG ng 15,000 security personnel ang Bureau of Corrections (BuCor) sa mga penal farm sa bansa bilang bahagi ng BuCor Modernization Law.
Nitong Biyernes, nilagdaan na ni Justice Secretary Leila de Lima ang implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act No. 10575 na nagtatakda ng modernisasyon sa mga kulangan sa bansa.
Sinabi ni BuCor Director Franklin Bucayo, layon ng batas na i-modernize, i-professionalize, at i-restructure ang kawanihan at mga prison at penal farm na saklaw nito.
“One is modernization kasi sa matagal na panahon, wala namang major structure na ginawa diyan, nire-repair lang… Ang pangalawa nito professionalization ng mga tao naman, ‘yun ‘yung pagtataas ng sweldo, pagre-regularize ng sweldo.” paliwanag ni Buyaco.
Aniya, tataasan din ang kwalipikasyon sa pagpili ng mga dagdag na magbabantay sa mga bilanggo.
“Currently, ang guard to inmate ratio is 1:60 ngayon pero ang standard nito is 1:8 lang dapat. Lumalabas siguro kailangan pa natin ng another 15,000 niyan.”
“‘Yung level naman ng acceptance ngayon, hindi na lang high school graduate. Tinaas din nila, ginawa nilang college, may (pasadong) Civil Service Service (exam). May competency na natapos.”
Ngunit bibigyan nang sapat na panahon ang mga orihinal na security personnel na muling makapag-aral at maabot ang mas mataas na kwalipikasyon.
“Bibigyan sila ng time within which they can finish the baccalaureate degree para maging pare-parehas na ‘yan.”