MARIING inihayag ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na si Deputy Director General Leonardo Espina ang kasalukuyang officer-in-charge ng PNP kaya dapat sundin ng mga pulis ang kanyang mga direktiba.
Sinabi ni Pangulong Aquino, sino mang pulis na susuway kay Espina at hindi kikilala sa kanyang awtoridad ay agad tatanggalin.
Ayon kay Aquino, nagsimula na siyang maghanap ng itatalagang PNP chief kapalit ni Purisima na nalalapit na rin magretiro sa 2015.
Maging si Espina aniya ay hindi na rin magtatagal sa serbisyo kaya sinusuri na ang track-record ng mas batang mga contender para mapunan ang PNP helm.