PLANO ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na magdeklara ang Malacañang ng limang araw na non-working holiday sa Metro Manila kaugnay ng pagbisita ni Pope Francis sa Enero 2015.
Nagpasa na ng resolusyon ang Metro Manila Council para maideklarang holiday ang Enero 15 hanggang 19, 2015.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, ang nasabing resolusyon ay isusumite kay Pangulong Beninog “Noynoy” Aquino III para maaprubahan.
Layunin nitong paluwagin ang inaasahang bigat ng trapiko sa Kamaynilaan, makatutok nang husto ang mga awtoridad sa seguridad, at para na rin malayang makadalo sa mga aktibidad ng Santo Papa ang mga mananampalataya.
Una rito, nagdeklara ng limang araw na non-working holiday sa mga paaralan at tanggapan ng gobyerno sa Maynila si Mayor Joseph Estrada.
Karamihan ng mga aktibidad ng Santo Papa ay gaganapin sa Metro Manila. Kabilang dito ang pulong sa mga pamilyang Filipino sa Mall of Asia Arena sa Pasay at Misa sa Luneta Park at Manila Cathedral.
Grace Yap
Preparasyonsa Pope visit on-track — Palasyo
TINIYAK ng Malacañang na ‘on-track’ ang preparasyon ng gobyerno sa nakatakdang pagbisita ni Pope Francis sa Enero15-19, 2015.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, pinakamalaking concern ng national government ay seguridad ng Santo Papa.
Ayon kay Valte, partikular na kanilang pinaghahandaan ang paghinto ng convoy ng Santo Papa at pagbaba para makipag-usap sa mga taong nag-aabang.
Ngunit sa pangkalahatan gaya nang sinabi ni Executive Sec. Paquito Ochoa, nakahanda ang gobyerno at security officials lalo ang Presidential Secuirty Group (PSG) sa ganitong contingency.
“Okay naman po at on track naman po ‘yung mga preparations. At least, on the part of national government, ang biggest concern po natin talaga is security, lalo po that His Holiness is known to stop sa kanya pong mga convoy at makipag-usap, makipaghalubilo po doon sa mga naghihintay sa kanya. Katulad ng sinabi ni Executive Secretary Paquito Ochoa, handa po tayo sa mga ganito namang contingency,” ani Valte.