KAILANGAN ng tulong sa agrikultura ng lokal na pamahalaan ng Dolores, Easter Samar makaraan hagupitin ng bagyong Ruby.
Dahil nakabungad sa Karagatang Pasipiko, ang Dolores, Eastern Samar ang isa sa mga una at pinakamatinding napinsala ng bagyo bago ito tumama sa lalawigan.
“When we talk about the weather, normal na … ang hindi normal ‘yung (pamumuhay) mga tao,” ulat ni Dolores, Eastern Samar Mayor Emiliana Villacarillo, ilang araw makaraan ang pagbayo ng bagyo.
Maraming pamilya pa aniya ang nasa evacuation centers at wala nang tahanang uuwian makaraan 8,887 kabahayan ang ragasain ni “Ruby.”
Detalye pa niya, sa isang island barangay na may 207 bahay, aapat lamang ang natira habang sa ibang islang barangay, 10% lang nananatiling nakatayo makaraan dumaan si “Ruby.”
Tantiya ni Villacarillo sa lagay ng evacuees, “magtatagal sila pero they are very resilient.”
Ilan aniya sa mga reisidente, unti-unti nang itinatayo ang kanilang masisilungan mula sa mga nakikitang materyales at handog na tarpaulin at tents ng ilang non-government organizations.