Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P.2-M ng Koreano tinangay ng 8 towing personnel

091614 money crimeINIREKLAMO ng isang Korean national  sa Manila Police – General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), ang walong towing personnel ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) dahil sa pagkawala ng P250,000 sa loob ng sports utility vehicle (SUV) na hinila ng grupo habang nakaparada sa Mabini St., Malate, Maynila.

Ayon kay C/Insp. Arsenio Riparip, naganap ang insidente nitong Disyembre 11, dakong 3:10 p.m. habang nagpapapalit ng pera sa Edzen Money Changer sa Mabini St., ang biktimang si Minjin Park, 38, ng 27 Cesma St., Concorde Village, Tambo, Parañaque.

Inabutan ng biktima sina Rodrigo Villena; Elson Minador, 21; Christopher Boradi, 25; Arnel Neves, 24; Lyci Ico, 20; David John Calixto,18; Roy Reyes, 24; at isa pang hindi nakikilalang towing personnel habang hinihila ang kanyang sasakyan.

Sinabi ng biktima, nasa loob ng kanyang sasakyan ang isang bag na naglalaman ng P250,000 na kanyang ipinapalit na pera ngunit nawawala na ito.

Gayonman, itinanggi ng towing personnel ang akusasyon ng biktima.

Hinihintay ng MPD-GAIS, ang kopya ng CCTV na nakakabit sa lugar para makita kung sino ang pumasok sa sasakyan ng biktima.

“Wala namang forcible entry e, malalaman natin sa CCTV record kung sino ang pumasok sa loob ng kanyang sasakyan,” ayon kay SPO2 John Cayetano, imbestigador ng MPD-GAIS.

Samantala, inireklamo rin ng truck driver na si Mauro Montano, ng Watch Cargo Movers, may tanggapan sa 21 Railroad St., Port Area, Maynila, ang walong towing personnel ng MTPB na bumugbog sa kanya makaraan i-tow ang kanyang minamanehong truck  dakong 10:30 p.m. sa harap ng Adamson University.

Aalamin ng MPD-GAIS kung ang inireklamong walong towing personnel ng MTPB ang unang inireklamo ng Korean national.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …