IPATUTUPAD ng Philippine Aviation Authority ang ‘no-fly zone’ sa pamamagitan ng Notice to Airmen (NoTAM) sa ilang bahagi ng bansa kasabay ng pagbisita ni Pope Francis sa Enero 15 hanggang 19, 2015.
Ayon kay CAAP Deputy Director General Rodante Joya, kabilang sa mga lugar na ipatutupad ang no-fly zone ay mga lugar na tutunguhin ng Santo Papa, kabilang ang Luneta.
Maglalabas ng abiso ang CAAP bago ang pagdating ni Pope Francis.
Ngunit ngayon pa lamang ipinaalam na ng CAAP na sarado ang Tacloban Airport sa Leyte sa mismong araw ng pagbisita roon ng Santo Papa, na magsasagawa ng Banal na Misa malapit sa paliparan.
Kabilang sa magiging apektado ng no-fly zone ang drones lalo na sa Luneta.
Gloria Galuno