Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Driver patay misis, 2 pa sugatan (P.5-M suweldo at bonus nailigtas sa holdaper)

112514 crime scenePATAY ang isang company driver habang sugatan ang dalawang empleyada kabilang ang misis ng una sa pananambang ng tatlong armadong lalaki sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival sa Pacific Global Medical Center (PGMC) sa Mindanao Avenue, Quezon City ang company driver na si Ricky Nepomuceno, 40-anyos, residente sa 47 Bonifacio Compound, Victoria Village, Brgy. Canumay East ng nasabing lungsod sanhi ng tama ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ginagamot din sa nasabing ospital ang misis ng namatay na si Michelle Nepomuceno, 37-anyos, at Jennifer Dizon, 31, kapwa Admin Staff ng LAMCO PAPER na matatagpuan sa Brgy. Lawang Bato sanhi ng mga tama ng bala sa balikat at katawan.

Batay sa ulat ni SPO3 Ronald Bautista, may hawak ng kaso, dakong 4:30 p.m. nang maganap ang insidente sa East Service Road, Brgy. Lawang Bato ng nasabing lungsod.

Sakay ang mga biktima ng Mitsubishi Adventure (POY-707) kasama sina Jennilyn de Luna at Leochito Marasigan mula sa China Bank sa Brgy. Paso de Blas dala ang P500,000 na pampasuweldo at bonus ng mga empleyado ng kompanya.

Pagsapit sa nasabing lugar, humarang sa kanilang daraanan ang isang taxi sakay ang tatlong hindi nakilalang suspek na agad pinaputukan ang driver na si Nepomuceno dahilan upang huminto ang sasakyan.

Dito na lumapit ang mga suspek saka binaril si Michelle na nasa kanang bahagi ng sasakyan sabay hablot sa kanyang bag na naglalaman ng P6000, ATM Cards at isang cellphone bago pilit na pinabubuksan ang sasakyan.

Sugatan man, nagawang mapaharurot ni Nepomuceno ang sasakyan  upang tumakas ngunit bumangga naman sa concrete barrier ng North Luzon Expressway

Dito na nataranta ang mga suspek na mabilis na tumakas kaya hindi nakuha ang kanilang pakay na malaking halaga ng pera.

Isang hot pursuit operations ang  isinasagawa ng mga awtoridad laban sa tatlong hindi nakilalang suspek sakay ng isang taxi at armado ng matataas na kalibre ng baril.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …