TULOY-TULOY pa rin ang ‘bente-bente scheme’ sa tinaguriang pilahan ng mga non-accredited taxi sa Departure Curbside ng NAIA Terminal 3 na umano’y sinasamantala ng ilang guwardiya na nakatalaga rito na pinaniniwalaang may ‘basbas’ umano ng ilang tiwaling Airport Police Department personnel.
Ilang taxi driver ng mga ‘puti’ at ‘outside colors’ na taxi cabs ang umamin na ‘tinatarahan’ sila ng P20.00 ng nagsisilbing sekyu na nagbabantay sa pilahan ng mga non-accredited taxis.
Idinaraing ng outsiders taxi drivers, na kapag hindi sila umano nagbigay ng ‘bente pesos’ ay ‘di sila pinapapasok sa pila at sa halip ay pinalalayas pa.
Nang minsang pamanmanan natin ang nasabing sumbong, nasaksihan ng ating ‘itinanim’ na tiktik na totoo ngang may nagaganap na iregularidad, na sapol ng ating impormante ang pagtanggap ng pera ng sekyu sa bawat pinapapasok niyang taxi sa naka-barikadang pilahan.
Ang masakit nito, kahit na napakahaba ng pila ng mga pasahero ay walang paki ang mga nakatalagang security guards kung walang pumapasok na non-accredited taxi.
Basta ang kanilang ipinatutupad na patakaran ay: “No Bente, No Entry!”
Sonabagan!!!