Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 karnaper ‘itinuro’ ng GPS arestado

121314 GPS toyotaRIZAL – Arestado ang dalawang karnaper na tumangay sa isang Toyota Innova sa Angeles City makaraan makita sa Global Positioning System (GPS) na patungo sila sa Lungsod ng Antipolo.

Kinilala ni Rizal PNP Director Bernabe Balba, ang mga nasakote na sina Rambo Tamayo, 27, call center agent, ng Brgy. Inarawan, Antipolo City; at Cecilia Guttierez, 32, saleslady ng Tondo, Manila.

Sa ulat, dakong 4 a.m. nang tangayin ng mga suspek ang nasabing sasakyan sa Brgy. Sapang Maisac, Angeles City, Pampanga.

Ayon sa may-ari ng sasakyan na si Herminia Panlilio, residente ng Brgy. Sapang Maisac, Angeles City, Pampanga, nagulat na lamang siya nang makitang wala na sa pinagparadahan ang Innova.

Lingid sa kaalaman ng mga suspek ay may nakakabit na GPS sa nasabing sasakyan.

Agad ipinagbigay-alam sa pulisya ang insidente at sa pamamagitan ng GPS ay nakita ang nasabing sasakyan sa Marcos Highway patungo sa nasabing lungsod.

Ang mga suspek na nakakulong na sa detention cell ng Antipolo PNP ay nakatakdang sampahan ng kasong carnapping sa piskalya.

Mikko Baylon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …