INIHAYAG ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas, epektibo na ang suspensiyon kay Philippine National Police (PNP) Director General Alan Purisima.
Ito’y sa kabila nang hindi pagkilala ng PNP chief sa implementasyon ng DILG dahil hindi anila nasa ilalim ang hanay ng kapulisan sa administrative supervision at kontrol ng kagawaran kundi sa National Police Commission (Napolcom).
Sinabi ni Roxas, sumusunod lang sila sa kautusan ng Ombudsman na siyang nagpataw ng anim buwan suspensyon kay Purisima dahil sa pag-apruba sa maanomalyang kontrata sa WERFAST Documentary Agency noong 2011.
Hinala ng kalihim sa pagpalag ni Purisima, “Taktika lang ng abogado ‘yan.”
“We consider it served. Pinapatupad natin ‘yung utos ng Ombudsman at kung may reklamo man sila, dun na sila sa Ombudsman magreklamo,” payo pa ni Roxas sa kampo ni Purisima.
HNT