Saturday , November 23 2024

Police asset nagmakaawa kay Roxas (Tinangkang paslangin ng 33 pulis-Zambales)

121114 police assetSUBIC, ZAMBALES—Nanawagan ang isang miyembro ng Barangay Police Special Force na pabilisin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang aksiyon laban sa mga miyembro ng Zambales Police Office na tumambang sa kanya kasama ang buong pamilya sa bayang ito kamakailan.

Sa joint complaints sa National Police Commission (NAPOLCOM) sa Region 3, inakusahan ng mga nagreklamo sa pangunguna ng isang alyas “Don Pobre” na tinambangan siya at ang kanyang buong pamilya ng dalawang opisyal at 31 pang miyembro ng San Antonio at Casillejos, kapwa sa Zambales.

Ayon kay Don Pobre, nagtatrabaho rin bilang police asset laban sa mga kriminal, tinambangan siya kasama ang asawa at dalawang menor de edad na anak ng mga suspek noong umaga ng Abril 25 lulan ng kotseng Kia Pride car sa Govic Highway sa Mangan-Vaca, Subic.

Nakaligtas sa ambush ang pamilya at nakatakas ngunit iginiit ni Don Pobre na nasa ilalim pa rin ng trauma at takot ang kanyang mga anak na edad anim at tatlo dahil sa tangkang pagpatay sa kanila ng mga awtoridad.

Nagsampa si Don Pobre ng mga kasong kriminal at administratibo at nitong Mayo 8 matapos ang masusing pagsisiyasat ay inirekomenda ni NAPOLCOM-R3 evaluator Amado Tilada ang pagsasamapa ng kasong grave misconduct laban sa mga pulis na sangkot sa ambush maliban sa dalawang opisyal ng Subic na kinasuhan ng serious neglect of duty.

Ang rekomendasyop ni Tilada ay inaprubahan ni NAPOLCOM-R3 director Manuel Pontanal ngunit nadesmaya si Don Pobre dahil wala pang aksiyon sa kaso.

“Nakikiusap po kami na sana ay mapakinggan ni DILG Sec. Mar Roxas ang aming kahilingan na pabilisin ang pagbibigay ng hustisya sa aming pamilya na hanggang ngayon ay nakararamdam ng takot para sa aming kaligtasan at nagtatago at walang layang makalabas ng aming tahanan dahil baka maulit na naman ang pag-ambush sa amin,” pagmamakaawa ni  Don Pobre na napilitang lumisan ang pamilya sa Mangan-Vaca mula sa tangkang pag-ambush sa kanila ng mga pulis.

HNT

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *