Friday , November 15 2024

Ops/rescue data ng NDRRMC at PRC bakit laging hindi nagta-tally?

00 Bulabugin jerry yap jsySA WAKAS marami ang natuwa sa PAGASA, dahil sa lahat ng ahensiyang nag-ulat tungkol sa bagyong si Ruby, may international name na hagupit, ang sa atin ang pinaka-accurate.

Saktong-sakto ang ulat ng PAGASA.

Pero marami pa rin kababayan natin ang nalito, dahil naman sa magkaibang datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Philippine Red Cross (PRC).

Sa pinakahuling bilang, 27 ang patay sa PRC pero walo lang sa NDRRMC.

E ano ba talaga ang totoo!?

Pati ba naman sa bilang ng mga casualty mayroon pang dagdag-bawas?!

Tingin natin ‘e dapat itong resolbahin ng dalawang panig dahil kung hindi, lagi silang magkakaroon ng problema sa pagta-tally.

Nagkaroon na nga ng kalituhan noong nakaraang operations nila sa daluyong na Yolanda, hindi ba?

Hindi lang magkaiba ang bilang, kundi talagang malaki ang diperensiya.

Sabi ng NDRRMC, metikuluso sila sa pagdodokumento, kailangan daw, calamity related talaga ang cause of death.

Ang sabi naman ng PRC, ang nakakalap nilang bilang ay ulat ng mga staff and volunteers nilang nasa operations mismo.

Anyway, ang mungkahi natin rito, since ang NDRRMC ang ahensiya ng ating pamahalaan, mayroon silang tungkulin na makipag-ugnayan sa PRC para ma-validate nila ang ulat.

O kaya naman, dapat mayroong NDRRMC official na naka-assign sa PRC. Pero hindi para maging ‘boss’ kundi makipagtulungan sa PRC.

E baka nga naman limitado lang ang area na nagagalugad ng mga taga-NDRRMC kaysa PRC?

Alam n’yo naman ang PRC, unlimited ang operasyon nila lalo sa panahon ng kalamidad.

Basta sa ganang atin, ang concern natin dapat magkaroon ng maayos na koordinasyon ang NDRRMC at PRC.

At ang initiative ay dapat na magmula sa NDRRMC.

‘Yun lang po.

Mag-ingat sa warfreak na jaguar (Panawagan sa business establishments)

HINDI natin alam kung ano ag kuwalipikasyon ng Jarton Security Agency Inc., sa pagkuha ng guwardiya.

Aba ‘e nakatatakot ang ipinakitang ‘pag-awat’ ng dalawang sekyu. Nauna pa silang magwala sa nagaganap na kaguluhan.

Mantakin ninyong magdala ng M-16 at baseball bat para umano awatin ang kaguluhan sa Market Market sa The Fort.

Nabigyan ba talaga ng training ng Jarton ‘yang mga sekyu nila?

Ayon kay Chief Supt. Noel Constantino ng PNP Supervisory Office for Security and investigation Agencies (SOSIA), ilegal ang ginawa ng dalawang guwardiya at malamang ‘e matanggalan pa ng lisensiya ang agency dahil wala silang idineklarang mayroon silang M-16 rifle.

Ibig sabihin, mukhang wala pang lisensiya ang baril na inilabas ng guwardiya nila!?

Tsk tsk tsk …

Dapat maging maingat at sumailalim nang husto sa interview at pagsusuri ang kukuning mga guwardiya ng mga establishment lalo na kung mall na dinarayo ng mga tao.

Gen. Constantino, wala tayong masamang tinapay sa Jarton, pero mukhang marami silang violation at mayroong pangangailangan na isuspendi muna ang kanilang ahensiya.

Tiyakin muna ng Jarton na matitino at wala na silang warfreak na mga guwardiya.

‘Yun lang po, Gen. Constantino.

Sugalan largado sa Maynila! (Attn: MPD DD S/Supt. Rolly Nana)

TINALO pa ang slogan ng isang kilalang department store na “WE HAVE IT ALL FOR YOU” sa mga nangyayari ngayon sa lungsod ng Maynila dahil largado na ngayon ang iba’t ibang klase ng ilegal na sugal (1602) sa nalalapit na kapaskuhan.

Umuulan nga raw ng goodwill money at ‘tara’ para sa mga bidang bagman ng City Hall at sa MPD.

Kaya naman namumutiktik ang mesa ng SAKLAAN sa ERMITA, SAMPALOC, SANTA ANA, PANDACAN, TONDO at STA. CRUZ, Maynila na ang itinuturong operator ay sina alias GERRY at MICHAEL na ipinagyayabang ang padrino nila sa city hall na isang alias HEY JUDE, JONAT DAGUL at S-POTRES ROBLES?!

Tinalo na nga raw nila ang beterano at bigtime sakla operator na si Rey Robles sa latagan ng sakla sa Maynila.

Dehins na rin tumitimbre ang sakla-in-tandem ni Gerry at Michael dahil naka-umbrella sa pangalan ni Hey Jude?!

Kung largado ang saklaan at video karera, hind rin papahuli ang mga horse, lotteng bookies operator na sina TONTON, PASYA, EDNA ENTENG, KABO LOLOY, KABO OBET at 1602 bagman cop KABO-TATA PAKNOY FRESNEDI.

May kasabay pang STL cum JUETENG sina Joe Tonton Maranan at Pasya na may opisina malapit pa mismo sa simbahan ng Santa Ana na katabi mismo ng MPD Santa Ana police station.

Mga sugal-lupa color games ni Enyang ay nagkalat na rin sa Divisoria na ang suking mananaya ay mga osdo at pitas gang sa Divisoria.

MPD district director S/Supt. Rolly Nana, pakitanong n’yo na lang sa mga sikat na bagman ng MPD na sina alias TATA DOMENG DEMONYO, MPD INTEL BAGMAN TATA BIYONG at TATA TONIO BONG CRUZ, MPD PS-5 TATA DIAMZON, DAGUPAN BAGMAN TATA JHAY at lalo kay DON BOSCO PCP BAGMAN TATA RIZAL kung magkano na ang kobransa ngayon ng 1602 sa Kamaynilaan.

Aba’y mahirap nang mabukulan Sir!?

Big time pusher sa Brgy. Pinyahan

SIR timbre ko lng po s in u. e2 big time pusher. cya ay c ROBERT RI——. malakas po e2 s mga police ng stn 7. asawa po nya po c LOU—S G. RI—— staff daw po e2 ng isang senator.nakatra po sa no. — albany st. ermin garcia. brgy. silangan. bigtime po e2 sir. kaya ingat n lng po kau. hwag n po i-publish para matimbog po nla si ROBERT na pinanggagalingan ng shabu na ibenebenta d2 s brgy. pinyahan.mga tricycle at mga nkakotse ang kumukuha s bahay nya ng shabu. sana po mahuli cla kawawa nman ang mga kabataan n mga BIKTIMA nila. pati po ung asawa nya nagshashabu din. kahit ipa drugtest niyo cya. positibo po+6394326 – – – –

Mga patimbreng pulis sa MPD ‘alaga’ ng DPSB

GANDANG araw po Idol, ireport ko lang it0ng c PO3 James Antonio ng admin ng MPD DPSB ang dami pong patimbreng pulis kawawa naman kaming pumapas0k. kapal ng mukha nya!

+6392161 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *