TULUYAN nang nakalusot sa Kamara de Representantes ang hinihinging emergency power ni Pangulong Benigno Aquino III (PNoy) para matugunan umano ang power crisis sa susunod na taon.
Sa isinagawang ikatlong pagdinig kahapon, lumamang nang husto sa boto ang pabor para bigyan ng karagdagang kapangyarihan si PNoy.
Base sa datos, pumalo sa 149 boto ang sumang-ayon, habang nasa 18 naman ang kumontra sa naisin ng Pangulo na bigyan siya ng emergency power.
Sa kabila ng oposisyon mula sa hanay ng minorya nangibabaw pa rin ang mga kaalyado ng Presidente.
Jethro Sinocruz