Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice, aminadong pinagnasaan si Tom

ni Roldan Castro

VERY vocal si Vice Ganda sa pagsasabing may li__g siya kay Tom Rodriguez kaya gustong-gusto niya itong kasama sa The Amazing Praybeyt Benjamin. Kahit nasa kabilang estasyon na si Tom siya pa rin ang kinuha?

“Kontrabida siya pero kaya siya ang kinuha namin kailangan kasi ‘yung kontrabida ay guwapong lalaki rin. Parang weakness ko, instead na talunin ko siya, nahihirapan akong matalo ‘yung li___g ko sa kanya, ‘yung ganoon,” paliwanag niya.

So may elya factor siya kay Tom?

“Oo, sa totoong buhay nali___gan ako sa kanya,” pag-amin niya.

Naipakita ba ‘yun sa pelikula?

“Oo. Ha!ha!ha! Kusang naipakita sa fight scene, naisisingit pa rin, eh..kaya gustong-gusto ko ‘yung mga fight scene kasi may mga yakapang hindi sinasadya, may mga dikitan, may mga talsikan ng laway. Eh, mabango ang hininga nitong si Tom, eh,” sey pa niya.

Hindi rin daw maaaring hindi niya paghubarin si Tom sa pelikula.

Ano naman ang reaksiyon ni Tom Rodriguez sa pag-amin ni Vice na may pagnanasa ito sa kanya?

“Wala..wala basta enjoy..enjoy kami. ‘Yun nga, sinasabi ko na hindi ko na ini-expect na ganoon kadugo ‘yung fight scene namin. Akala ko comedy-comedy lang,” aniya.

Hindi naman daw siya naiilang kay Vice kung may mga sundot itong nae-elya sa kanya.

Nagkasama na raw sila ni Vice sa Petrang Kabayo. Sobrang na-enjoy daw niya ‘yun kaya noong i-offer sa kanya ang The Amazing Praybeyt Benjamin alam daw niya na masaya sa shooting kaya nag-go siya.

‘Yun na!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …