HINDI nakarating si Vandolph sa presscon ng The Amazing Praybeyt Benjamin na pinagbibidahan ni Vice Ganda noong Linggo, pero bago ang presscon, nakasalubong namin siya sa lobby ng ABS-CBN sa may ELJ building. Naibalita nga nitong dinala raw niya ang kanyang limang taong gulang na anak si Vito Vann kay Ms. Linggit Tan,ABS-CBN comedy business unit head.
Ani Vandolph, ipinakita niya ang kanilang limang taong gulang na anak ni Jenny Salimao kay Ms. Linggit dahil gusto na rin nitong mag-artista.
“Baka puwede na rin siya kasi gusto niya,” sambit ni Vandolph na hanggang ngayo’y hindi nakalilimot sa amin.
Sinabi pa ni Vandolph na payag siyang pasukin na rin ng kanilang anak ang showbiz dahil tulad niya’y bata pa rin siya nang pasukin ang nakagisnang trabaho ng kanyang amang si Mang Dolphy.
Nakatutuwa ring malaman na after Be Careful With My Heart na ginampanan niya ang karakter ni Lino, kasama rin siya sa Two Wives na gumaganap bilang isang seryosong padre de familia na asawa niya si Regine Angeles. At ngayon naman ay kasama siya sa 2014 MMFF entry ng Viva Films at Star Cinema, na idinirehe ni Wenn Deramas, ang The Amazing Praybeyt Benjamin at ginagampanan niya ang isa sa mga katropang sundalo ni Praybeyt Benjamin.
Malaki nga ang pasasalamat ni Vandolph sa ABS-CBN dahil sunod-sunod ang proyektong ibinibigay sa kanya.
Samantala, ang The Amazing Praybeyt Benjamin, ay hated ng Star Cinema bilang kompletong entertainment experience sa bawat pamilyang Filipino. Isa itong laugh-a-minute exhilarating roller coaster ride na tiyak na lilikha muli ng Philippine movie history sa ikalawang pagkakataon. Maaaring paghandaan at abangan ng mga masugod na tagahanga ni Vice Ganda nag isang absolutely amazing na Christmas treat. Talaga ile-level-up ni Benjamin Santos at ng kanyang whacky gang agn aksiyon, kasiyahan, at excitement sa pinakahihintay na pagbabalik ni Praybeyt Benjamin. Sa muling pagganap ni Vice Ganda sa papel ni Praybeyt Benjamin, tiyak #ChristmasMasaya ang taong ito!
ni Maricris Valdez Nicasio