Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

QC International Pink Filmfest, tuloy na tuloy

UMUULAN man, hindi napigil ng bagyong #Ruby ang pagsisimula ng kauna-unahang Quezon City International Pink Film Festival sa Trinoma Mall na 15 bansa ang kalahok kabilang na ang Germany, Thailand, Sweden, USA, Indonesia, France, Vietnam, Cambodia, Japan, Malaysia, Croatia, at ang Pilipinas.

Well attended ang opening ng Pink Festival na dinaluhan nina Quezon City MayorHerbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte, at mga foreign guest mula sa iba’t ibang bansa. Nagkaroon muna ng maikling show na kumanta sina Sam Concepcion atMorisette Amon. Nagbigay naman ng magagandang sayaw ang mga performer ngClub Mwah. Nag-host naman ang ex-PBB na si Rica Paras kasama ang isa pang kapatid na nakalimutan namin ang name.

Nakausap ng entertainment press si Mayor Bistek at natanong ito tungkol sa naging komento ni Korina Sanchez sa TV Patrol na umaani ng katakot-takot na batikos ngayon. Bagamat isang hoax ang kumakalat na balitang idineklara siyang Persona Non-Grata ng Prime Minister ng Japan naging usap-usapan pa rin ito.

“Well, si Korina is a friend of mine, and Mar (Roxas, asawa ni Korina) is my party mate sa Liberal Party. Ah, I just hope that ano. . .si Ambassador Lopez naman is the Ambassador of Japan, the representative from Philippines to Japan, and I hope that his excellency Ambassador Lopez will do something about it. Tutal, they belong to the same company naman, eh.

“Well, no less than Prime Minister Abe (of Japan) himself mentioned it, but I know it’s such a very light incident, madali namang ma-patch up. I hope it patches up soon,” ani Bistek.

Kung ating matatandaan, nagbigay ng komento si Ate Koring in jest sa TV Patrol na sana raw ay sa Japan na lang tumama ang bagyong si #Ruby. After that, katakot-takot na batikos na ang inabot ni Ate Koring.

Ani Bistek, nagulat din siya sa pangyayari. ”Well, here, talagang makikita natin na global na talaga ang mundo natin. ‘Yun bang kahit na ikaw ay developing country at nag-issue ka ng statement na hindi naman talaga ganoon kaseryoso, malalaman ng isang developed country.

“That’s why, kahit ako nagiging maingat na rin sa pagsasalita,” sambit pa ng mayor ng QC.

Sa kabilang banda, malapit din si Bistek sa mga LGBT (lesbians, gays, bisexual, transgender) individuals bilang lumaki rin siya sa showbiz kaya naman proud siya na ang QC ang magho-host ng eight-day festival kasabay na rin ang selebrasyon ng 75th year ng Quezon City.

Ang International Pink Festival (IPF) ay ang Asia’s largest LGBT film event na ang mga kasaling pelikula ay tungkol sa mga gays, lesbians, bisexuals, at transgenders. Tatakbo ang festival hanggang Dec. 16.

ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …