KRITIKAL ang kalagayan ng isang obrero makaraan saksakin ng nag-amok na kompare habang nag-iinoman sa binyagan kamakalawa ng gabi sa Ma-labon City.
Ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Stephen Justo, 35, ng 167 M. H. Del Pilar St., Brgy. Tinejeros ng nasabing lungsod, sanhi ng dalawang tama ng saksak sa likod.
Habang pinaghahanap ang suspek na si Jonito Rondina, nasa hustong gulang, residente ng Sitio 6, Brgy. Catmon ng na-sabing lungsod.
Batay sa ulat ni SPO1 Ananias Birad, dakong 7:10 p.m. nang maganap ang insidente sa Sitio 6 ng nasabing barangay.
Masayang nag-iinoman ang mga bisita sa binyagan nang biglang magwala ang lasing na suspek at naghamon ng away.
Inawat ng biktima ang kanyang kompadre ngunit siya ang pinagbalingan at pinagsasaksak.
Rommel Sales