Sunday , November 17 2024

Lance Raymundo, masaya sa pagkakasali ng Gemini sa MMFF New Wave

SOBRA ang saya ni Lance Raymundo nang napasali ang pelikula nilang Gemini sa MMFF New Wave category. ”I’m very happy na nakasama sa NEW Wave ng MMFF itong Gemini, nagkaroon ng world prriemier ito sa Korea. Of course as a Filipino, we like to represent our country aboard. Pero sa akin, walang mas tatamis compared to my movie being appreciated kung saan ako nanggaling mismo.

“The fact na napasok sa MMFF New Wave, which is one of my dreams, ay malaking regalo especially with my second life, hindi ba?

“Itong Gemini, it’s a psychological thriller and kasama ko rito sina Mon Confiado, Sheena and Brigitte McBride, Alvin Anson at si Sarah Gaugler. Ito ang second movie ko with Direk Ato Bautista, iyong una ay Alaala ng Tag-Ulan.

“Ako po ang love interest ng isa sa twins. Kapatid ako ng tutor nila at palagi akong sinasama ng tutor at ganoon kami nagkaligawan,” mahabang saad ni Lance.

Idinagdag din niyang bilib siya sa McBride twins at sa direktor nito. “They are newcomers and I’m very proud of them dahil na-justify nila iyong ganoong ka-complex na role. It’s a difficult role, iyong role na iyan, puwedeng mabigay sa mga may experience nang artista.

“I’m also very impressed with the skills of Direk Ato in directing and in giving workshops. Bago kasi nag-grind ang camera, binigyan nila ng workshop ni Mon ang twins e. So, from someone na walang experience at napa-arte nila ng ganoon, na-impress talaga ko.”

Mula nang nagbalik-showbiz si Lance Raymundo ay kaliwa’t kanan ang naging projects niya. Kabilang dito ang Gemini, Maskara, Dota O Ako, at iba pa.

Ayon pa sa versatile na actor/singer, dapat ay kasama rin siya sa bagong TV series ng isang major TV network, ngunit dahil busy sa shooting ng pelikulang Maskara ay hindi siya natuloy sa project na ito.

“The role is big at hindi ako nag-audition. Pero kinabukasan na ang taping nang tumawag sila at sabay ito ng shooting ng Maskara, pati iyong ibang dates. So, sabi ko na lang sa kanila, sana ay huwag nila akong ka-limutan sa susunod, ‘Because I would love to work again in your station.’ Kasi ako, I respect contract and kahit yung usapan lang,” saad pa ni Lance na ini-emphasis ang kanyang pagpa-pahalaga sa palabra de honor.

Abangan din si Lance sa omnibus video sa pagbisita sa bansa ni Pope Francis. “Mapapanood ito sa lahat ng channel dito sa atin and all over the world at ako ang napili, parang like ako si Juan na nagre-repesent sa mga Filipino. So, isang malaking blessings ulit ito dahil ang mapasali ka sa isang project about the Pope, it’s an honor for me.”

ni Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *